Home
About Us
Services
Products
Bookstores
Vocations
Collaborators
Pauline Family
Link
Comments
Chat Room
Forum




To listen download WINAMP5.
WELCOME to CBSA


 

October 29, 2006

Ang Paglalagum sa Pagpapaliwanag ni Fr. Tam Sabularse

Ang KAWIKAAN:
Mga pangaral at pagtuturo para sa mga Israelita
Anyo: 1. Ito ay kalipunan ng mashal (mas malalim pa sa salawikain o kawikaan) na
hindi lang tugmaan ng tula na may itinuturo. Isang mahabang pangaral na
walang anyo ng tugmaan.
2. Mga tula na pangkat ng dalawahan na salawikain o kasabihan
May tugmaan. Maraming bahagi na tula ang anyo.

Bakit nasa anyong tula ang karamihan?
1. Sa pagtutugma, madaling masaulo
2. Diretso ang pinupunto ng turo. Sa makatwid, madaling maisalin sa susunod na henerasyon. Isa sa layunin, hindi lang para ipunin ang maraming karunungan na dumaloy sa lipunan o pananampalataya ng Israel kung hindi magsilbing manual para makapagturo sa mga kabataan o mga musmos pa lang.

KAILAN NAISULAT ANG MGA KAWIKAAN?
Ang unang paglilipon ay sa panahon marahil ni Haring Solomon
Ang huling paglilipon ay sa ika-5 siglo (BC)
Naisulat sa mahabang panahon na ang katapusan ay noong panahon na ang mga Israelita ay nakabalik na sa kanilang lupain matapos na itapon sila sa Babylonia. Isang koleksyon na kawikaan para sa lipunan ng Israel.
Ang mga turo at nilalaman ay hindi malalim kundi pang-araw-araw na pamumuhay kung paano ang isang tao ay kumilos sa kanyang lipunan.

SINO ANG MAY AKDA?
1. Ang bayan ng Israel sa kanyang mahabang panahon ng kasaysayan
2. Mga ilang tao:
a. Haring Solomon –
Ang mga Kawikaan ni Haring Solomon na anak ni David at naging hari ng Israel.
Anak ni Haring David na humalili sa paghahari sa Israel. Siya ay kilala sa pagkakaroon
ng pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling na hiniling niya sa
Diyos na igawad sa kanya. (Mga Hari 3: 4-12 ). Nagkaroon ng karunungan na hindi
napantayan noong kapanahunan niya at hindi rin napantayan kahit sa panahon na
nagdaan at lilipas
Mga Hari 4: 32 nabanggit na lumikha si Solomon ng 3,000 kawikaan.
Ang mga kawikaan na ipinapasa sa tradisyon ng Israel ay nanggaling karamihan kay
Solomon. Malaking impluwensya sa mga tao ang kawikaan niya. Kaya ipinapatungkol
sa kanya ang akda.
b. Agur na anak ni Hake ng Masa (Kawikaan 30 )
k. Lemuel na hari ng Masa (Kawikaan 31) na natutuhan niya sa kanyang ina

Natural na makatagpo ng kahirapan sa pagbabasa ng Kawikaan. Kaya’t hindi dapat basahin ng dire-diretso kundi dahan-dahan at unti-unting pagnilayan kung ano ang relasyon nito sa ating buhay, kung ano ang pahayag at turo sa atin.

October 15, 2006

Ang Paglalagum ng Pagpapapaliwanag ni Fr. Tam Sabularse

ANG KATWIRAN NI ELIHU SA PAGHIHIRAP NI JOB
1. Ang pagdurusa ay parusa at paraan ng pagtuturo ng Diyos sa tao.
Maaari raw na may kasalanan si Job na hindi niya nalalaman ang kanyang ginagawa at patuloy niyang ginagawa kaya nagbigay ang Diyos ng kaparusahan Ang pagdurusaraw ni Job ay paraan ng Diyos na maituwid siya.

Lumilitaw na nasa tradisyonal na pananaw pa rin si Elihu tungkol sa paghihirap ng tao.


ANG SAGOT NG DIYOS KAY JOB, MGA KAIBIGAN, ELIHU

Sino ang may kakayanang humusga sa Diyos? Sino ang nakakaunawa ng Kanyang kapangyarihan, karunungan at lakas?

Hindi sinagot ng Diyos ang katanungan ni Job kung bakit siya pinarurusahan, kundi, binaligtad ng Diyos ang argumento.
Ipinakikita raw na kilala nila Siya na ang pagdurusa ay galing sa Kanya, at nalalaman nila kung bakit Niya ginagawa ang mga nagaganap sa kanila.
Sinabi ng Diyos: Kaya n’yo ba akong intindihin? Kaya n’yo bang arukin ang aking nalalaman? Kaya n’yo ba akong husgahan sa nagaganap sa inyong paligid?

Ang nararapat na tugon: Bakit hindi na lang hingin ang pagpapaliwanag ng Diyos? Hindi na lang asahan ang Kanyang karunungan? Hindi na lamang manampalataya sa Kanya at mamahala sa ating buhay?


ANG TUGON NI JOB:
Nagpakumbaba si Job:
Wala nang masabi at walang magawa sa harap ng Diyos. Inamin niya na anuman ang balakin ng Diyos hindi niya kayang maunawaan.
Kaya: Nagsisisi ng taimtim si Job
Itinakwil ang sarili
Tinatanggap ang kalooban ng Diyos
(Ito ang dahilan kung bakit maituturing na taglay ni Job ang tunay na karunungan)
Naunawaan niya na ang lahat ng bagay, nakabatay sa Diyos, na nagpapatakbo sa kanyang buhay at hindi dapat pangunahan ang Diyos sa anumang dahilan na nagaganap sa kanyang buhay.

Sa kapakumbabaan ni Job, sinuklian ng Diyos ng lalong mas higit na biyaya:
Nag-alay siya ng sakripisyo para sa kanyang mga kaibigan. At ibinalik ng Diyos ng doble ang lahat ng biyaya na tinatamasa ni Job noong una. Naging apat nalibong tupa, anim na libong kamelo, dalawang libong kamelyo , isang daang asno. Namuhay hanggang sa isandaan at apatnapung taon. Nakita niya ang kanyang apo hanggang sa ika-apat nahenerasyon.
Aral: May tinatanggal ang Diyos sa atin at may ipinapalit na mas mahalaga at mas marami.

Ang layunin ng buong Aklat ni Job:
Para mailagay natin ang ating sarili kay Job at maintindihan natin na hindi natin kayang sagutin ang lahat ng pagdurusa na nangyayari sa atin at sa ating paligid.

KULANG ANG SAGOT SA PAGSASALIKSIK NG TAO, ANG KANAGANAPAN NG KASAGUTAN, NASA PAGDATING NG PANGINOONG JESUKRISTO
Ang Aklat ni Job ay pagharap sa mahigpit na problema pero hindi pa rin maarok ng mga tao ang dahilan. Dahil ang kaganapan ng kasagutan ay sa Panginoong Jesus. Siya ang magpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng pagdurusa ng tao bagamat matuwid.

KONKLUSYON:
PANGUNAHING TURO AT MENSAHE NG AKLAT NI JOB:
1. Ang pagdurusa , lalo’t higit ng matuwid ay walang tiyak na kasagutan dahil Diyos lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan sa kanilang kaibuturan.

Hindi nararapat na bigyan ng konklusyon ang CAUSE and EFFECT. Kung ano ang ginawa natin, may karampatang konsekwensya bilang biyaya o parusa galing sa Diyos.
Ang paghihirap ay pangkalahatan, mabuti man o masama.
Ang Diyos ay hindi apektado ng kasalanan ng tao o ng kabutihan ng tao.

2. May mas malalim na hinihingi ang Diyos na pananampalataya, na hindi lang nakasalalay sa pagpapalitan ng alay ng tao at biyayang materyal mula sa Diyos

Ang pagdurusa ay maaaring maging daan na lumalim ang ating pananampalataya tulad ni Job. Pero iwasan na manampalataya dahil naghihintay ng matatanggap na kapalit sa pananampalataya.
Huwag limitahan ang kakayanan ng Diyos na magbigay ng biyaya sa mga materyal na bagay kundi may mas mahigit na biyayang matatanggap.
Pumapatak ang biyaya ng Diyos sa atin batay sa kung ano ang kailangan natin. Maaaaring magkakaiba ang natatanggap natin pero walang mas nakakalamang o naaagrabyado.

October 8, 2006

Ang Paglalagum sa Pagpapaliwanag ni Fr. Tam Sabularse

ANG PAGTATALO NI JOB AT NG KANYANG 3 KAIBIGAN:
Elifaz , Bildad, Zofar-
kasama ni Job ng 7 araw at 7 gabi na walang sinasabi. Matapos ang 7 araw, dumaing si Job. At nagsimula ang pagtatalo at kanilang diskurso .

Kabanata 4-31, 3
a. Job – para kay Job, walang kasalanan at matuwid pero bakit
pinarurusahan ng Diyos

b. Mga kaibigan ni Job at si Elihu – nagdurusa si Job bilang parusa sa nagawang kasalanan at
paraan ng pagtuturo ng Diyos.
3 beses na nagsalita ang mga kaibigan ni Job, sa huli,
nakumbinsi na rin sila.
Elifaz- nagdurusa ang tao dahil masama siya , ang matuwid at mabuti, hindi nagdurusa
Job: Kabanata 6-7
Wala akong kasalanan, huwag ninyo akong sumpain, Naghahanap ako ng aliw sa inyo
pero para kayong tuyong ilog na ang isang taong uhaw na uhaw na naghahanap ng tubig
pero mga buhangin na lang ang makikita.

Kung isang saglit nga lang, kung nagkasala ako, patawarin sana ako, at maging mapayapa man lang ako.

Bildad- lahat ng ginagawa ng Diyos , makatarungan. Kung matuwid ka, ibabalik ng Diyos ang biyaya niya. Tradisyon natin ito. Di pababayaan ng Diyos ang matuwid.
Para sa kanya, nagkasala si Job.

Job:
Wala akong kasalanan. Ga-ihip ng hangin man ang buhay ko, alam ng Diyos na wala akong kasalanan.

Zofar:
Kabanata 10- “Akala mo matuwid ka, pero maraming bagay na hindi abot ng kaisipan mo”. Sinasabi ni Zofar na mataas ang karunungan ng Diyos. Alam niya ang mga kasalanan na ginawa ng lihim. Kung tatanggapin mo na nagkasala ka, liliwanag muli ang buhay mo.

Job:
tinig ng mga kaibigan, tinig ng tao. Materyal na gantimpala para sa matuwid. Ang mga salita ni Zofar, parang gamot na hindi kayang lumunas sa pagdurusa.

Sa pagtatapos, hinarap na ni Job ang Diyos para magsalita tungkol sa napakabigat na hatol sa kanyang buhay.
Job:
May tao ba talaga na malinis at mapapantayan ang iyong katarungan?
Maikli ang aking buhay, bigyan lamang ng konting pahinga.
Aral:
Kahit na ito pa ang tradisyon na tinanggap natin sa ating mga ninuno. Kahit ito pa ang karanasan natin. Kahit pa ang karunungan natin ay kakaunti dahil ang kaisipan natin ay hindi ang kaisipan ng Diyos. Kahit na hndi natin kayang abutin ang kaisipan ng Diyos , pwede pang mangyari na ang isang taong matuwid ay magdurusa kahit siya ay walang kasalanan.
Isang palaisipan at misteryo na hindi maipaliwanag. Lumalapit sa Panginoon, magsalita ka. Panginoon, magpaliwanag.

Summary - October 1, 2006

JOB 1: 1-5
Si JOB – ang pinagpala ng Diyos , matuwid, at nagkaroon ng unang pagsubok na nawala ang lahat ng kanyang mga biyaya . Pero nagpuri pa rin si Job sa Diyos. Simula lamang ito sa mga sunod-sunod pang pagsubok ni Satanas kay Job. Habang nananalig naman ang Diyos kay Job sa kanyang katangian.
Nakipagsapalaran ang Satanas na kapag daw lumatag na sa katawan ni Job ang parusa at pagsubok sigudaro niyang susuko na at titigil na ang pagiging matuwid niya. Pero ayon sa Diyos, subukan hanggang sa ibig niya, pero huwag mo lang siyang papatayin. Kaya nagkaroon ng pasa at sugat sa katawan mula ulo hanggang paa. Naawa si Job sa kanyang sarili.


JOB 3: 1-26
Dalamhati ni Job:
1. Isinumpa ang araw ng kanyang pagsilang kung maghihirap din lang
2. Ninais niya ang kamatayan dahil doon matatagpuan niya ang kapayapaan.

Sa gitna ng pagdaing, hindi nabawasan ang pagiging matuwid niya. Matibay pa rin ang paggalang niya sa Diyos. Nasisilip natin ang resolusyon mula sa mabigat na pagpapakasakit na ito. Nagtatanong siya bilang isang nananampalataya at humihingi ng paliwanag na naroon ang pag-asa bilang alagad. Hindi niya sinumpa, o hindi hinuhusgahan ang Panginoon. Itinuon niya ang sisi sa araw na ipinaglihi at isinilang siya. Dahil naniniwala siya na wala siyang nagawang masama na makatanggap siya nang ganoong paghihirap.

*Sino ang nabuhay sa mundo na hindi naghihirap? Pero hindi dapat maging paraan na iwanan ang Panginoon kundi pagakataon na lalong kumapit sa Kanya.

Sa hinaing ni Job, hinaing ito ng napakaraming tao na puno ng hirap, at dalamhati. Sa ating katibayan, maaari rin tayong dumaing. Pero daing ng isang humihingi ng liwanag nang maunawaan ang nagaganap sa ating sarili at buhay.

 

Summary -Sept 24, 2006

Ang kabaligtaran ng karunungan
Kamangmangan
c.f. - Kawikaan 2:13
- Mabuti ang karunungan kaysa kamangmangan katulad ng kabutihan ng
liwanag kaysa kadiliman.
Kahangalan – pinipili ang makamundo Kawikaan 15: 21
c. f. - Kawikaan 9:13
- hindi handa
- hindi maingat

Sa pagsasalarawan ng karunungan tulad ng isang babae na naghahanda ng pagkain at nang-aakit, ipinapakita rito na walang kasarian ang Diyos. Bagamat patriarchal ang mga kinasihan na sumulat ng Banal na Kasulatan.

ANG AKLAT NI JOB
Ang unang Aklat ng Karunungan. Ang kwento ng isang tao na napakabait at masunurin.
A. Kalikasan ng Aklat ni Job
1. ANG MAY-AKDA
Hindi matiyak kung sino ang may-akda.

2. KAPANAHUNAN:
Sa panahon ng mga Israelita na itinapon sa Babylonia, noong 600 BCE, isa na si
Job ang inilista ni Propeta Ezekiel na mabubuti at masusunurin. Kilala na ni
Ezekiel si Job.
1-3 kabanata ay lumang-lumang na. Pati ang setting, walang anuman sa mga kasaysayan ng Israel.

PAGKATAO NI JOB:
Si Job ay isang patriarka na nabuhay kasama ng mga kamag-anak niya. Walang indikasyon kung kailan nabuhay si Job. Nabanggit lang na siya ay nabuhay sa lupain ng Uz na maaaring nasa Edom o Mesopotamia .
Ang unang bahagi ng aklat ni Job ay salaysay o kwento ng isang taong matuwid at pinagpala ng ating Panginoon. Na isang may takot sa Diyos at isang tao na umiiwas sa kasamaan. Pinagpala siya maturingan dahil kitang-kita ang kanyang biyaya. Mayroon siyang 7 anak na lalaki at 3 anak na babae. May 7,000 tupa at 3,000 mga kamelyo. May 500 baka at 500 mga asno, at napakarami ng mga kautusan niya. Siya na ang pinakadakilang tao sa kanyang lupain. Sa pag-aalay ng handog ni Job sa Diyos tanda ito ng kabutihan at pagkamasunurin sa kalooban ng Diyos. May pagkakataon na hindi pa man siya sigurado na may nakagawang masama ang kanyang mga anak, o hindi pa man niya nakikita ang epekto nito, nag-aalay na siya ng handog.

TWIST NG KWENTO:
Nagharap ang Diyos at si Satan nang nakisabay si Satan sa Diyos noong humarap ang mga tao sa Diyos.
Ipinagmalaki ng Diyos si Job kay Satan, bilang taong ganap, matuwid, umiilag sa masama. Bilang tugon, nangatwiran si Satan na naghihintay lang ng kapalit si Job at punong-puno ang biyayang natatanggap niya , kaya siya may takot sa Diyos.
Pero nag-iwan ng isang bitin na pangungusap si Satan, SUBUKAN MONG TANGGALIN ANG MGA BIYAYANG BIGAY MO SA KANYA, TINGNAN MO ISUSUMPA KA NIYA.
! Ang nangyari, lahat ng biyaya ni Job, 13-22 sa sampung talata, lahat ng kanyang biyaya nawala.
REAKSYON NI JOB:
Ginawak ang balabal at inahit ang ulo (rito sa pag-aayuno). Nagpatirapa sa lupa at nagpuri sa Diyos.

Summary- September 17, 2006

MGA AKLAT NG KARUNUNGAN:
- Ikatlong bahagi ng balumbon ng mga Kasulatan
- mga aklat na hindi nakasama sa mga aklat ng pangkasaysayan at mga aklat ng mga propeta.
- Naglalaman ng paksa na tungkol sa karunungan.
- May mga aklat din naman sa balumbon nito na hindi tumatalakay sa karunungan tulad ng Aklat ng Salmo, aklat ng mga awit pero ang taluntunan din ay tulad ng ibang mga aklat na kung paano ba mapalapit sa Diyos ang isang tao lalo’t higit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

KALIKASAN:
PARA KANINO ISINULAT ANG MGA AKLAT NG KARUNUNGAN?
Ipinatungkol ang Aklat ng Karunungan sa lahat at hindi ekslusibo lamang sa mga hudyo.

SIMULAIN:
Ang Aklat ng karunungan ay natagpuan hindi lamang sa lugar ng mga hudyo kundi sa mga paligid na nasyon. Sa paghuhukay ng mga archeologist, natagpuan ang mga literature , panitikan hindi lang sa lugar ng mga hudyo kundi sa Ehipto, Mesopotamia, Babylonia, Syria. Napag-aralan din na may iba’t ibang kultura ang konteksto.

Ano ang pagkakaiba sa iba na turing din ay wisdom literature, na nagtuturo rin ng tamang asal. Dapat na tamang gawain, kung paano’ng aasal sa pamilya, sa lipunan, sa gubyerno. Lumalabas ang kultura ng hudyo sa mga aklat ng karunungan dahil ang paksa ay malimit tungkol sa Diyos at mga salawikain, malimit na ang patunguhan ay iisa ay tumutugma sa kalooban ng Diyos.

ANG FORMAT NG MGA AKLAT:
Paulit-ulit at may ritmo na ginagamit. Halos dalawahan lamang na mga salita.
(bakit malimit gamitin ang poetry o literary forms ang ginagamit na uri?)

TERMINOLOHIYA
HOKMAH- malawak ang ibig sabihin, may malalim na kahulugan tungkol sa karunungan
Batay sa ating kahulugan, ang karunungan- bagay na nalaman natin , napag-aralan natin , nagsaliksik tayo , nagkaroon ng kaalaman.
Pero sa salitang HOKMAH (karunungan) ito ay mas malalim na pagkaalam. Batay sa pang-araw-araw na karanasan kung ano ang tama at mali. (Experience is the best teacher).
Kaya kapag sinabi na ang taong iyon ay marunong, nangangahulugan na marunong siya sa buhay. Nasa puso at pagkilos ang nilalaman ng kanyang dunong.
Kapag sinabi naman na maalam, puno ng impormasyon sa kanyang isip.

KATANGIAN NG KARUNUNGAN:
1. Isang bagay na kahalintulad ng kaalaman na maaaring malaman ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan o iba’t ibang gawain sa lipunan. Halimbawa, ang kaalaman ng isang mamamalakaya, karpintero
2. Isang bagay na pagkaalam sa tunay na katangian ng mga nasa paligid, nagpapasya kung ano ang dapat gawin sa paligid at sa kalikasan.
3. Isang biyaya na galing sa Diyos. Tulad ng biyaya ng karunungan na tinanggap ni Haring Solomon. (1Hari 3: 3-14)
4. Matatagpuan lamang sa Diyos. Ang karunungan ay hindi natin maaring makamit kundi
tanging sa Diyos lang magmumula. Dahil ang Diyos ang KARUNUNGAN. Makikita natin ito sa paligid natin, kung paano binigyan ng pagsasaayos at naayon sa tamang sangkap ang mga bagay sa mundo. Sa pagbabasa ng mga aklat ng karunungan, isang paraan ay ang pagtingin sa paligid. Kapag nakikita ang kagandahan ng sanlibutan at ayos dahil naryan ang karunungan ng Diyos na paraan din na ang tao ay magkaroon ng karunungan.

PARAAN NG MGA PAGGAMIT NG KARUNUNGAN:
Dalubhasa sa isang bagay, karunungan ng mga bagay sa kalikasan, dapat iasal natin sa mundo. Ang unang gawin ay humingi ng karunungan sa Diyos. Para sa isang hudyo, sa kanilang TORAH, paraan ng pinanggagalingan nila ng karunungan. Dahil ito ang utos ng Diyos.
Ano ba koneksyon ng karunungan sa Sampung Utos? Ano ang dapat gawin at iwasan? Mas general ang prinsipyo na itinuturo sa atin ng Sampung Utos. Mas particular din, tulad ng “Igalang mo ang Iyong mga magulang”. Ang taong hindi gumagalang sa kanyang magulang ay parang isang mangmang na walang patutunguhan. Ang mga nilalaman ng Aklat ng Karunungan ay kung paano natin i-aapply . Binibigyan ng katawan ang espiritu ng Sampung Utos.

ANG PANGUNAHING TURO NG AKLAT NG KARUNUNGAN SA LUMANG TIPAN
Ang karunungan ay nasa Diyos

ANG LARAWAN NA IBINIGAY NG MGA AKLAT NG KARUNUNGAN
1. Ang karunungan ay biyaya ng Diyos sa tao .
Siya ang taong bukas ang kalooban, na nagiging gabay sa pagkilos at pag-asal.
2. Ang karunungan ay isang persona na iniimbitahan ang lahat ng tao na pumunta at mag- aral sa kanya. Parang isang babae na nag-iimbita na pumasok sa loob ng tahanan na handa na ang hapag kainan at masarap ang kanyang niluto. Naroon ang ideya ng kagandahan, kaakit-akit para sa isang tao.

TURO NG KARUNUNGAN:
Pananampalataya sa Diyos. Ang pagkatakot sa Diyos. Ang unang dapat gawing hakbang ng isang tao para magkaroon ng karunungan.:
Ang pagtingin sa sariling kababaan, ang pagiging mahina, at nangangailangan.
Sa harap ng Diyos , ikaw ay balewala at maaari kang hatulan, maaari kang hipan na lang na parang hangin na mawawala sa iglap lamang.
Ang pagkatakot na tinutukoy ay reverencial fear – e.g. takot sa magulang. Konteksto ito ng paggalang at pag-asa.

ANG KAILANGAN SA PAGBABASA NG KARUNUNGAN:
Sa pagbabasa ng mga aklat, hindi lang ito basta maaliw sa mga kwento at masiyahan sa ibinibigay na historical facts, kailangang handang magabayan at maturuan ng landas patungo sa pamumuhay ayon sa daan at patnubay patungo sa Diyos.


Summary -September 3, 2006

Paghahambing ng Dalawang (2) Aklat ng Macabeo

Unang Aklat ng Macabeo Ikalawang Aklat ng Macabeo
Nakasulat sa wikang Hebreo Nakasulat sa wikang griyego
Isinulat sa 100 BC Isinulat sa 124 BC
Kwento ng sunod-sunod na pamumuno ng mga magkakapatid na Macabeo at puno ng salaysay tungkol sa pakikipaglaban Buod ng mas mahabang aklat ni Jason ng Cirene
Makasaysayan May aral. May interpretasyon na ang pangyayari .
Mahaba Maikli

ANG IKALAWANG AKLAT NG MACABEO:
Tinatalakay dito ang pag-uusig sa mga hudyo at kung paano sila naghimagsik. Kwento rin tungkol sa kanilang pagtatagumpay sa kabila ng kanilang maliit na bilang.
Buod ito ng mahabang limang aklat ni Jason ng Cirene. Pinaiksi at pinaganda ang kuwento dahil ibig ng mga may-akda na mas maintindihan at mas makaakit ito sa mga mambabasa. Hindi rin nila layunin na maging eksakto sa mga pangyayari. Hindi natin alam kung ano ang isinulat ni Jason, dahil nawala na ang orihinal nito. Ang lumalabas sa kwento ay ang pagiging bida ng mga hudyo kung paano pinatay ng mga kaaway at naging magiting ang pag-aalay ng kanilang buhay. Kwento kung paano’ng kakampi ng mga hudyo ang Diyos. Pati na sa mga labanan na kahit na gaano’ng dami ng kalaban sa pamumuno ni Judas ay laging panalo. At bago sila makipagdigma, nagdadasal muna sila para lumakas ang kanilang loob. May pangitain pa na galing sa langit na nakikipagdigma sa panig ng mga hudyo laban sa mga kaaway. Nararamdaman ang makalangit na pananahan (divine presence) sa aklat na ito.
Isinulat ang Ikalawang Aklat ng Macabeo ng mga hudyo ng Palestina para sa mga hudyo sa Alexandria para hingin ang kanilang pakikiramay at pakikiisa sa pagdiriwang ng muling pagpapatatag ng Templo.
164 BC.- nakuha ng mga hudyo na dati nasa ilalim ng mga griyego at nilapastangan ang mga templo. Tinanggal ang mga bagay na madumi na di karapatdapat at binago ang lahat. Nagsimula muli sila ng pagsamba. Nagkaroon sila ng Dedication of the Temple. Itinalaga nila ang Templo at ipinagdiriwang nila mula noon ng taon-taon. Ito ang Hanukkah. Pagdiriwang ng liwanag ng pagpapanibago ng paggamit sa pagsamba ng Templo.

Palaging matagumpay ang mga hudyo. Kaya hindi inilagay kung paano’ng namatay si Hudas, at mga kapatid niya. Natapos ang Aklat ng nagtagumpay sila pati na sa dakilang heneral na si Nicanor na pinatay ni Judas.

Mga leksyon sa Ikalawang Aklat ng Macabeo:
1. Malinaw na pagpapatunay ng muling pagkabuhay ng mga yumao
2. May gantimpala sa mga tapat sa Diyos at mayroon namang parusa sa mga hindi tapat sa
Kanya.
3. Katapatan sa kaugalian at Batas (2 Mac 6: 18-31)
4. Panalangin para sa mga namatay (2 Mac 12: 38-45)
- Ang mga panalangin at paghahain ng mga nabubuhay pa dito sa mundo ay nakakatulong sa mga namatay na para mapawi ang kanilang mga kasalanan (prayers for the dead) Kaya tayo sa paniniwala sa kasamahan ng mga banal, kahit na patay ang isang tao, ipinagdarasal pa rin natin. Ang relasyon sa mga patay ay hindi lang makalaman kundi ispiritwal na ipinakikita natin sa mga dasal. Ang dasal ay makakatulong sa mga namatay kung sakaling may pagkukulang sila na kailangang bayaran.

5. Tinutulungan tayo ng mga panalangin ng mga namatay na. Ang pagdarasal ng mga santo sa
mga nabubuhay para tulungan para sa mga pagsisikap at pakikibaka sa buhay. (2 Mac 15:
12-16 )
Halimbawa: Namatay ang mga tao dahil sa anting-anting pero nag-alay sila ng buhay para sa pananampalataya. Ang kanilang mga kasalanan ay napunan na ng pag-aalay ng kanilang dugo. Pero kailangan nilang bayaran ang pagkukulang nila. Ang ginawa ni Judas ay nangolekta siya ng pera sa kanyang kapwa hudyo at nagpaalay ng mga hain sa templo. Pinadala ang pera para bumili ng mga alay at maghain ng mga alay bilang kabayaran sa kapatawaran ng kasalanan ng mga kapwa nilang namatay. Dito ipinapakita ni Judas,
- una ang paniniwala sa muling pagkabuhay. Yan ang dahilan ng pag-aalay nila para
maging maganda ang buhay ng kanilang mga kasamahan.

6. Ispiritwal na bunga ng pagkamartir.

a) Katapatan ni Eleazar na kahit na ang kanyang mga kaaway na ibig siyang iligtas basta magkunwari lang siya. Ipinakikita niyang kumakain siya ng ipinagbabawal na pagkain pero mukha lang itong bawal . Mukhang sumunod na rin siya sa pagtatakwil ng pananampalataya na kaya na siyang patayin. Pero kahit na sa kanyang katandaan , ayaw niyang maligtas ang sarili niya na ang iba naman ay mapapahamak kung gagawa siya ng masamang halimbawa. Dahil dito, pinatay siya. Pero malakas ang tiwala niya.

b) Tungkol naman sa isang ina na may mga anak na isa-isang pinatay dahil ayaw nilang talikdan ang kanilang mga pamamaraan bilang mga hudyo. Ipinakikita sa atin ang kanilang paniniwala na mayroong muling pagkabuhay. Na hindi magtatapos ang buhay dito sa mundong ito. Kaya handa silang mamatay at handang iwan ang buhay dito dahil alam nila na may kabilang buhay na naghihintay. Ang nagbigay lakas ng kanilang pagkamartir ay ang paniniwala nila sa muling pagkabuhay.

Summary - August 27, 2006

UNANG AKLAT NG MACABEO

40 na taon ang sakop ng kwento. Mula nang paghahari ni Antiochus Antiphanes 175BC hanggang sa pagkamatay ni Simeon 134 BC.
40 na taon na tinatalakay kung ano ang nangyari ng pagrerebelde ni Matatias, at ang sunod-sunod na pagiging lider at hari ng kanyang mga anak na si Judas , ni Jonathan at ni Simeon.

Ito ang kwento ng pagkikipaglaban at digmaan sa mga griyego:
Sa simula ng kanilang pakikipagdigma, palaging panalo. Sa katagalan, dahil sa pagkatraydor ng mga kalaban o dahil sa napakaraming kawal ng mga kalaban, isa sa mga magkakapatid ang pinatay. Pero kahit na ganito ang nangyari, hindi nawala ang kanilang pakikipagdigma dahil isang kapatid naman ang naging lider sa kanila.

Naisulat ito sa hebreo pero dumating sa atin sa wikang griyego kaya napasama sa deuterocanonical books. Nasabi na ang orihinal nito ay sa hebreo dahil natatagpuan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa hebreo. Mas matanda ang lenguaheng ito kaysa sa griyego.

Ang sumulat nito marahil ay isang hudyo na taga-Palestina noong 100BC.
Maka-Macabeo, maka-hasmoneo siya na para sa kanya ang mga magkakapatid na Macabeo ay magagaling na mga pinuno. Bayani ang mga Macabeo para sa kanya.
Pero hindi lahat ng mga tao kakampi ng mga hasmoneans tulad ng paggawa ni Jonathan ng kanyang sarili bilang hari, marami sa mga kakampi nila na tumiwalag sa grupo. Dapat daw na tapat sila sa batas pero hindi sila naging tapat. Inaangkin na nila ang pagiging punong-pari na hindi naman para sa kanila.

Relihiyosong Kasaysayan ang kwentong ito. Layunin ng mga pagsulat sa pangyayari ay para magbigay ng kahulugang relihiyoso:
Ang paghihirap ng bayan na nasa kapangyarihan ng mga griyego ay parusa sa kanilang kasalanan. Kaya hindi nila sinisisi ang Diyos sa kanilang kahirapan. At ang tulong ng Diyos ay dumarating bilang gantimpala sa kanilang pagiging tapat hindi dahil sa magaling, marami at organisado sila . Ang pagrerebelde ng mga hudyo , nagsimula dahil ayaw nilang iwanan ang kanilang kaugalian at ang batas ni Moises mula sa Diyos.

1 Mac 1: 10-16
Dalawa ang kaaway ng tradisyon ng mga hudyo :
1. Ang mga dayuhang bansa tulad ng mga Griyego sa pamumuno ni Antiochus na gustong ipataw sa mga hudyo ang kaugalian ng mga griyego
2. Ang mga hudyo na umiwan sa kanilang hudyong kaugalian na itinatago na ang kanilang pagkasunat at naniniwala na kailangang sumang-ayon na sa mga dayuhang kaugalian dahil para sa kanila, sila na lang ang naiiwan at ang lahat ay nagsasalita na ng griyego, sumasamba na sa mga diyos ng griyego, sumasali na sa palarong griyego.
Dahil dito nagrebelde ang mga tapat na mga hudyo sa pamumuno ni Matatias.


1 Mac 2: 15-28
(Sistematikong pagwasak sa kaugalian ng mga hudyo at katatagan ng maraming mga hudyo na hindi sila nagpadala sa paniniil. Lumaban sila dahil ibig nilang panindigan ang pagiging tapat sa Utos ng Diyos hindi sa utos ng hari. )
Sistematikong pagpipilit sa mga hudyo na iwanan ang kanilang kaugalian tulad ng pag-aalay ng kamanyang sa mga larawan ng mga diyos ng griyego lalo na kay Zeus na pinakamataas sa mga diyos ng griyego. Pumupunta ang mga griyego sa bawat barangay na pinipilit kumain ng mga pagkain bawal para sa kanila. Kinukuha nila ng mga lider para sumunod na rin ang mga nasasakupan nito. Kaya nang kinausap nila si Matatias, sinabi niya na hindi siya susunod sa utos ng hari. Ang susundin lang niya ang utos ng Diyos. Nang makita pa niya ang kapwa niya hudyo na nag-alay ng pagsamba sa diyos ng mga griyego, pinatay niya sa galit. Pinatay din niya ang mga opisyales ng mga griyego na pumunta sa kanilang barangay. At tumakbo sa bundok dala ang mga tao na gusto ring maging tapat sa Diyos. Doon nagsimula ang kanilang paghihimagsik.


IKALAWANG AKLAT NG MACABEO
Hindi karugtong ng Unang Aklat ng Macabeo, kundi ibang bersyon ng parehong kwento.
15 taon lang ang nasakop ng kwento. Mula ng pagkamatay ng ama ni Antiocus Epiphanes na si Seleucids IV noong 177 BC hanggang sa pagkatalo ni Judas kay Nicanor na nagpanggap bilang Judas na kumuha ng maraming kawal para talunin si Judas. Pero siya pa ang natalo ni Judas.

Hindi matatagpuan ang kwento ni Jonathan at ni Simeon. Kundi kwento lang tungkol kay Judas. Hindi rin nabanggit dito na namatay si Judas. Kung ihahambing natin, ang Ikalawang Aklat ng Macabeo ay tinatalakay ang unang pitong kabanata ng unang aklat ng Macabeo. Maraming detalye ang naisulat tungkol kay Judas.

Kapansin-pansin na ang sumulat ay maka-Judas Macabeo. Maaaring hindi niya gaanong kinikilala ang 2 pang kapatid. Ibig lang niyang bigyang pansin ang mga ginawa ni Judas at tagumpay mula sa mga kaaway.

Naisulat ang Ikalawang Aklat ng Macabeo sa Griyego noong taong 124 BC. Mas maaga kaysa sa Unang Aklat. Malalaman ito dahil may mga sulat tulad sa Unang Sulat sa 1:9 na naitala ang taon. Nabuo ito mula sa pagbubuod ng mahabang sulat ni Jason of Cyrene. Ang mahabang sulat na ito ay hindi na matatagpuan. Ibinuod lang ng may-akda nag Ikalawang Aklat ng Macabeo ang pili niyang bahagi.

Summary - August 20, 2006

167 BC Panahon ng mga hudyo na napailalim sa mga Griyego ng Antiochia ng Syria, na mga Seleucids. Lalong-lalo na nang dumating ang isang hari ng mga Seleucids si Antiochus IV Ephphanes.

Nagkaroon ng napakalaking persekusyon. Napakalaking pag-uusig laban sa mga hudyo. Dahil ang programa ni Antiochus IV na ang lahat ng mga nasasakupan niya ay dapat sumunod sa mga paraan ng mga grieyego. Gusto niyang ang mga paraan ng mga griyego ang maging batayan ng lahat ng mga nasasakupan niya . Kaya’t pinilit sila, hindi lang sa pagsusuot ng damit, kundi sa pagsamba sa Diyos. Kaya ang mga diyos ng Griyego ang dapat sambahin ng mga tao sa ilalim niya. Sa katunayan, may mga opisyales na mga griyego na pumupunta sa bawat barangay, para mag-alay ng kamanyang kay Zeus na diyos ng mga griyego o kaya ay lumuhod o sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga griyego. Pati ang templo ng Jerusalem, nilagyan nila ng mga larawan ng kanilang mga diyos. Kaya nilapastangan nila ang templo ng Jerusalem. Hindi ito matanggap ng mga hudyo,dahil sa mga hudyo, wala nang ibang Diyos kundi si Yahweh lamang. May mga grieyego na sumunod sa ganitong pamamalakad. Mga modernized Jews. May mga hudyo na hindi talaga sumang-ayon dito at nagrebelde sila.
Ang rebelyon na ito ay nagsimula kay Matatias noong 164BC. Tumakas sila at namundok. Sumama kay Matatias ang buong pamilya niya at ang lahat ng mga taong gustong manatiling tapat sa kanilang tradisyon at pananampalataya. Sila ang Hassidim. Mga banal na mga tao. Doon , nagsimula na ang kanilang pakikipagdigma laban sa mga griyego. Sa simula, guerilla warfare lang, pasulpot-sulpot, paata-atake sa mga sundalo ng mga griyego at dahan-dahan dahil sa kanilang kasigasigan at simpatiya ng mga tao, natalo ang mga griyego. Namatay na si Matatias.

166-160 BC. Pamumuno ni Judas Macabeo.
Magaling siyang lider kaya siya binansagan na Macabeo. Siya ang Judas
na pamukpok sa mga kaaway.

164 BC Sa paghihimagsik sa ilalim ni Judas, nakuha nila muli ang templo ng Jerusalem
Napalayas nila ang mga griyego sa Jerusalem, nilinis nila muli ang
templo. Tinumba nila ang mga istatwa ng mga Diyos-diyosan ng mga
griyego at gumawa sila ng bagong altar para makapag-alay muli sila ng
sakripisyo ayon sa batas ni Moises.
Ang buong Jerusalem ay nasa ilalim nila, maliban sa isang parte ng
Jerusalem na tinatawag na Citadel. Na isang lugar na protektado na hindi
nila mapasok.

160 BC Namatay si Judas dahil sa dami ng kaaway sa isang digmaan na kaunti
lang sila.

160-142 BC Pamumuno ni Jonathan. Nagtagumpay siya sa mga griyego.

152 BC Ginawa ni Jonathan ang kanyang sarili na pinunong pari. Bawal ito sa
kanilang batas dahil hindi naman siya galing sa angkan ng mga punong
pari. Kinuha ni Jonathan ang 2 uri ng lider. Pampulitika at panrelihiyon.
Hindi nagkasundo sa mga Hassidim na grupo ng mga banal at tapat. Kaya
nahati sa 3 grupo ang mga Hassidim:
- Pariseo, Saduseo, Essenes
- Saduseo – kumampi kay Jonathan , umayon na maging punong pari si Jonathan
- Pariseo – hindi sumunod, humiwalay sila. Sa halip, nagsikap sila na maging tapat sa batas ni Moises pang-araw-araw na gawain nila.
- Essenes- nawalan ng lakas ng loob dahil matapos nilang ipaglaban, wala rin palang kabuluhan, pumunta na lang sila sa disyerto at nagtayo ng kanya-kanyang sambayanan. Isinasabuhay nila na sila-sila lang ang buong batas ni Moises.

142 BC Tinraydor si Jonathan at siya ay namatay.
142 - 134 BC Pamumuno ni Simeon. Piagpatuloy na maging punong-pari.
141 BC Sa panahon ni Simeon, nahulog ang citadel (muog ng lunsod) Mula
noon ang buong lunsod ay nasa ilalim ng mga hudyo. Nagsimula si
Simeon na gumawa ng pera na may tatak ng hari. Nagsimula ang
kalayaan (independence) ng hudyo mula sa mga griyego. Isang kaharian
na sila sa ilalim ng mga Hasmonian.
Ang mga anak na ng mga Macabeo ang sumunod na nagging hari. Ito
ang tinatawag nating Hasmonian dynasty. Pero hindi nagkasundo ang
mga anak . Nag-aaway-away din sila.

63 BC – pumasok si Pompey sa Jerusalem dahil sa pag-aaway ng magkapatid na sina Hercanus at Aristobulos. Noon nagsimula ang paghahari ng mga Romano sa Palestina.

37BC- 4 AD Naghari si Herod , the Great na anak ni Antipater na isang kagawad ng mga Hasmonean. Ang mga hudyo ang nagluklok sa kanya, na iba sa inaasahan ng magkapatid na nag-aagawan sa pagiging hari. Si Herodes ay hindi galing sa mga Hasmoneans. At napanatili niya ang paghahari niya sa tulong ng mga kawal ng mga Romano . Kaya hindi siya katanggap-tanggap bilang hari. Hindi ang dahil sa kahigpitan niya kundi hindi siya itinuturing na tunay na hudyo dahil hindi buo ang dugo niya na hudyo at naghahari dahil lamang sa kapangyarihan ng mga Romano. Tuta siya nga Romano. Sa Bagong Tipan sa loob ng paghahari ni Herod, isinilang sa Bethelehem ang naak ng Diyos na si Jesukristo.

Ang dalawang Aklat ng Macabeo ay tinatawag na Deuterocanonical.

Hindi ito matatagpuan sa Biblia ng mga Protestante, kundi sa Biblia ng mga
Katoliko. Naisulat ang 2 Aklat na ito sa wikang griyego.

Dumating medyo huli na kaya para sa mga hudyo hindi na tinatanggap ito bilang
kinasihan ng Diyos.

Hindi karugtong ng Unang aklat ng Macabeo ang Ikalawang Macabeo. Ibang
bersyon ito ng pang-aabuso ni Judas. Hindi tulad ng ibang mga Aklat ng
Kasaysayan na makarugtong ang dalawa:
Samuel, Aklat ng Hari, Kronika … pero kwento sa mga huling pangyayari.
May parehong kwento na naisulat sa una at ganoon din sa ikalawa, pero iba na
ang binibigyan ng diin.

Sitwasyon ng panahon ng mga Macabeo taong 167 BC:
* Ang agresibong pagpapa-grieyego sa mga hudyo ng mga Asyriano at ng mga liberated o mga modernisadong hudyo.
* Dahil dito ang mga hudyo na hindi sumunod, inusig sila. Kaya kinailangan silang magsimagsik oTumakas sa mga bundok.
* II Mac 6: 1-11 --
Isinalarawan ang kahirapan ng mga hudyo dahil sa ginagawa sa kanila ng mga
Griyego na dahan-dahang sinisikap na mawala ang kanilang pananampalataya. Pinapatay pa ang mga tinutuling sanggol at ganundin ang kanilang mga nanay. Sinusunog ang mga aklat nila. Pati ang templo , nilastanganan. Ginagawa doon ang mga karumaldumal na gawain at itinatayo ang mga larawan na bawal sa mga hudyo. Noon ay may dalawang lugar sila sa pagsamba.
- Gerisim- sumasamba ang mga samaritano
- templo sa Jerusalem.
Nilapastangan ito ng mga Grieyego. Naghirap ang mga tao. Kaya tumakas sila at naghimagsik. Nagiging mahilig sa digmaan ang mga hudyo pero ginawa nila ito dahil yun ang survival nila , na kung hindi sila kumilos, mawawala ang kanilang tradisyon at uubusin sila.

Summary - August 13, 2006

Pagpapatuloy sa Aklat ni Ester:
Nalaman ni Mordecai na papatayin ang mga hudyo sa kapistahan ng Purim. Kaya nalungkot siya, naligo ng abo at nagsuot ng sako. Nagwika si Mordecai kay Ester na plano ng Diyos na si Ester ang tunay na magliligtas ng kanyang bayan. Hiniling naman ni Ester na ipanalangin siya ni Mordecai. Hiniling din niya ang buong hudyo na magdasal at magpenitensya at sa takdang panahon, doon siya kikilos.
At alam natin na matapos mag-ayuno, siya ay nagpaganda at nagpumilit pumasok sa harap ng hari na hindi tinatawag. Itinataya niya ang kanyang buhay para sa kanyang mga kababayan. . Maaaring tanggihan siya ng hari at papatayin siya kaagad. Pero, nakapag-usap sila ng hari.

Anuman ang misyon natin, kailangan nating magpakumbaba sa harap ng Diyos.
Aral: Sa kahirapan ng ating bansa, huwag tayong maglamiglamigan at walang pakialam. May magagawa tayo sa posisyon natin at makakatulong tayo. Ang panalangin at pagpepenistensya ay tanda ng pagsusumamo sa Kanya para tugunin ang paghingi ng ating tulong. Dahil anumang tagumpay na gagawin natin, depende sa Panginoon.


Paghahambing kay Ester at kay Judit:

Tungkol sa babae ang dalawang aklat na ito. Mga babae ang mga bayani at tagapagligtas ng kanilang mga kababayan.
Sa Aklat ni Judit: panahon ng mga Asiriano
Ester: panahon ng mga Persiano
Ang dalawang aklat na ito ay isinulat noong panahon ng mga griyego na umaapi sa mga hudyo.
Ipinakita sa atin ang dalawang paraan ng pakikitungo sa mga dayuhan o sa mga mang-aapi.
Kay Judit: Nakibaka , nakipaglaban
na hindi pumayag na salakayin sila at ayaw nilang magpadala sa mga dayuhan. Pinugutan pa nga niya ng ulo si Holofernes na heneral.

Kay Ester: Pinasok ang kaaway
Kaya si Ester naging bahagi ng korte. Naging reyna ng hari. Sa pamamagitan
ito, nailigtas niya ang kanyang bayan. Naging maipluwensiya siya sa loob ng
kaharian para mabago ang sitwasyon sa ikabubuti ng bayan nila.

Mga Aklat ng Macabeo:

Pangkalahatang Panimula:
Panahon ng mga Griyego. Ito lang ang mga aklat na nagsasabi na sila ay nasa panahon ng mga griyego.
Ang salitang Macabeo ay isang bansag na ibinigay kay Judas na anak ni Matatias. Siya ang unang lider sa paghihimagsaik laban sa mga griyego.
Ang ibig sabihin ng Macabeo ay ang ulo ng martilyo. Judas na ulo ng martilyo. Maari dahil matigas ang pagpupukpok niya sa mga kaaway .
Ang Aklat ng Macabeo ay tungkol sa kwento ng mga magkakapatid. Kay Judas , Jonathan at kay Simeon. Silang lahat tinawag na Macabeo. Bagamat ito ay tungkol lamang kay Judas. Ang bansag kay Judas, naipasa na rin ng kanyang mga kapatid. Ang pamilya nila ay mga Hasmonian
Kaya sa ibang mga aklat tinatawag silang Hasmonian dynasty o Hasmonian family.

Kasaysayan:
Paano naman pumasok ang mga Griyego sa kasaysan ng mga hudyo?
Natandaan natin na ang mga hudyo ay tinalo ng mga tagaBabylonia na sinira pati ang kanilang templo noong 586 BC. Nang maipatapon na sila sa Babylonia, tinalo naman ng mga Persiano ang mga tagababylonia. Kaya nakatakas ang mga hudyo at pinabalik sila ng mga Persiano sa kanilang mga lugar , pinayagan sila na sumamba ayon sa gusto nila maniwala sa kanilang Diyos basta kilalanin lang nila ang mga Persiano at magbigay ng tribute.. Sa panahon ng mga Persiano , payapa ang mga hudyo, nagkaroon sila ng religious independence. Kaya lumago ang kanilang pagsusulat hanggang makaipon at makabuo ng isang bibliya.
Ang mga Persiano naman, natalo ng bagong hari at bagong lahi na si Alexander the Great na galing sa mga griyego. Mula sa Gresya sinalakay niya ang lahat ng lugar hanggang sa Egipto, sa Middle East, sa Mesopotamia, sa Persia, sa Afhghanistan at nakabot pa sa India sa loob ng 10 taon.

Sa nabanggit na ang Dalawang Aklat ng Macabeo na tungkol sa panahon ng Griyego sa kasaysayan ng mga Hudyo, narito ang balangkas ng Panahon ng mga Griyego:
? 336-326- Winasak ni Dakilang Alejandro (Alexander the Great) ang emperyo ng
Persia, at pinalawakan niya ang lugar na pinasimulan naman ng Greek empire. Pero hindi lang pakikidigma at talunin ang mga kaaway ang balak ni ni Dakilang Alejandro. Matatag ang adhikain niya na ituro ang kulturang griyego sa mga hudyo.
Para sa kanya, mataas ang kulturang grieyego, at kailangang idevelop ang mga tao . Naisip ni Alexander the Great na magaganap ito kung maibagay (adapt) sila sa kulturang griyego. (Full force) Kasama ng mga sundalo niya, heneral, inhinyero, philosophers, mga duktor, mathematicians, para ituro ang pamamaraan ng mga griyego sa buong mundo.
Pero , namatay siya sa maagang gulang na 33 taon. Wala siyang anak. Kaya ang buong emperyo ng griyego na naiwan niya, nahati sa kanyang mga heneral. 4 na heneral ang nag-agawan .
Ptolemy na nagmana ng Ehipto o mga Lagids, at Levant
Seleucus ang nagmana sa Persia at Syria (Mesopotamia at Iran)
Casander nagmana ng Macedon
Lysimachus nagmana ng Thrace at Asia Minor (Turkey)

326-197 B.C. Noong hinati-hati ang kaharian ni Alexander, ang Palestine na
promised land ng mga hudyo, napapunta sa mga Lagids o Ptolemies ng mga taga-Ehipto.
Wala silang problema noon, nagbago lang ang kanilang amo pero pareho ang pamamalakad ng mga Ptolemies.

Hinayaan lang nila ang mga hudyo sa kanilang pamamalakad. Sa halip na magbigay ng tribute sa mga Persiano, sa Egipto na sila nagbigay. Dahil may malaking community ng mga hudyo ang pumunta sa Egypt, lalo na sa lunsod ng Alexandria. Bagong lunsod ito na itinatag ni Alexander. Kaya may malakas na Jewish presence doon sa lunsod na iyon. Pero itong mga descendants ng mga heneral, nag-away-away sila kung sino ang kumukuha ng mas malaking teritoryo. Kaya ang mga taga-Canaan ay napapunta sa mga Seleucids noong
197-142 B.C. – Nakuha ang pirasong lupang ito mula sa mga taga-Ehipto, napapunta na sa mga Seleucids. Nagkaroon ng problema ang mga hudyo dahil may bagong polisiya ang mga Seleucids. Sineryoso nila ang project ni Alexander na gawing griyego ang buong mundo. Tinatawag ito na Hellenization. Make them greek. Mula ito sa Hella na matandang pangalan ng Greece (Gresya).
167-164 BC- Lubhang pag-uusig sa mga hudyo sa pamumuno ni Antiochus IV na tinatawag na Efifanes sa Mithi niyang maging griyego ang lahat. Ibig niya na hindi lang sa pagsasalita ng griyego, pati kustumbre ng mga griyego, relihiyon ng mga griyego , dapat kunin ng nasa ilalim nila para pag-isahin sila. At dito nagkaproblema ang mga hudyo dahil nangangahulugan na:
o maniniwala na sila sa mga maraming diyos-diyosan ng mga griyego.
o Pinagbawalan sila na magpatuli at basahin ang kanilang bibliya. Sinusunog ang kanilang mga bibliya.
o Hindi na sila pinapayagan na iwasan ang pinagbabawal na kumain
o hindi na rin sila pinapayagan na pangilinan ang araw ng pahinga.

Nag-introduce ang mga griyego ng mga gymnasium. Wrestling, athletics, pero sa loob ng gymnasium, hubad sila dahil para sa mga griyego, mahalaga ang perfection ng human body. Kaya, ilang sa paghubad ng mga hudyo, bukod pa rito, tinatahi ang pagkatuli ng mga hudyo para hindi pagtawanan sa pagiging hubad nila. Samakatwid, itinatago na nila ang kanilang identity kung sino sila. Nagkaroon din ng malaking pag-uusig sa mga hindi sumusunod dito.
Pinapatay ang mga sumusunod sa batas na mga hudyo. Yung istatwa ni Zeus, inilagay sa kanilang templo. Makaking gulo at nagrebelde ang mga hudyo.
Nagsimula sa 166BC- nagpunta sa bara-barangay ang mga griyego at mga hudyo na gusting maging griyego, para pilitin ang mga tao na sumamba at maglagay ng kamanyang sa istatwa ni Zeus . Si Matatias ang kanilang naging pinuno sa pagrebelde.. Pinatay sila ni Matatias at namundok si Matatias. Sumama sa kanya ang mga taong matuwid. Sila ang mga Hassidim. Mga taong relihiyoso. Nagsimula sila ng guerilla warfare. Laban sa mga sundalo ng mga griyego.

Summary - August 6, 2006

Aklat ni Ester

Kaugnay sa Aklat ni Judit na ang bida ay babae.
1. Itinaya ang sarili para maligtas ang kanilang bayan.
2. Kapwa sila maganda at nakuha ang kanilang posisyon dahil sa kanilang kagandahan. Ang pagkakaiba :
Judit- babaeng balo sa Betulia
Ester - Reyna ng buong Emperyo ng mga Persiano. Ginamit ang kanyang pagiging Reyna sa pagligtas ng kanyang mga kababayan.
Ang konteksto ng Aklat ni Ester ay sa panahon ng mga Persiano.
taong 539-333 BC
May dalawang uri ng Aklat ang Ester
1. Maiksi – nakasulat sa Hebreo
- nasa Protocanonical books
- nakasulat din sa aklat ng mga Protestante
- marahil isinulat sa 160 BC , panahon ng mga Macabeo na isinulat sa Palestina.
Sa panahong ito ipinagdiriwang ang kapistahan ni Mordecai at maaring isinulat para bigyan ng katibayan ang kapistahan.
2. Mahaba – nakasulat sa Griyego
- Deuterocanonical
- Mga bahagi ng mahabang aklat na wala sa hebreo, sa ibang mga biblia inihihiwalay ito na tila bahagi ng Deuterocanonical
- Isinulat noong 110 BC , mga 50 taon ang nakalipas mula sa salitang hebreo
- Isinulat ng mga hudyo sa Palestina para sa mga hudyo na inuusig sa Ehipto na hinihikayat ang mga hudyo sa Ehipto na ipagdiwang ang kapistahan ng Purim na kapistahan ng tagumpay ni Ester. Bilang kakaunti ang kanilang bilang pinag-iinitan sila ng mga Ehipcio at Griyego.
- Pagbibigay ng lakas - loob ito sa mga hudyo na kahit na maliit na bilang lang sila sa kabila ng mga dakilang emperyo, hindi sila pababayaan ng Panginoon. Naging huwaran sa kanila ang ginawa ni Ester at ni Mordecai.
Ang ibang mga biblia, isinama na ang nakasulat sa Griyego ang kwento na nakasulat sa wikang hebreo, kaya magulo ang paglalagay ng mga citations kaya mahirap basahin.
(Alamin na lang ang inyong biblia kung pinagdugtong ang dalawa na iisang format na lang o magkahiwalay. )

Maituturing din na didactic story ang Aklat ni Ester
Bagamat ang pangyayari ay nasa kasaysayan na panahon ng mga Persiano, pero hindi tiyak ang mga pangalan.
e.g. Si Haring Asuero, maaaring si Haring Jerjes I.
Si Haman- hindi makikita sa kasaysayan.
Si Reynang Ester, hindi sigurado na may tunay na ganitong pangalan.
Pagkukwento ito na may aral hindi tungkol sa kasaysayan.

May mga mahahalagang katangian ng Aklat ni Ester:
1. Nagpapakita sa atin ng pagkamuhi ng mga tao laban sa mga hudyo. Naramdaman ito ng mga hudyo noong unang panahon dahil sa kanilang buhay ay naiiba sa buhay ng maraming tao. Marami silang bawal na pagkain, hindi sila nagtatrabaho sa ikapitong araw. Dahil dito, suspetsado sila. Kaya, ibig ipapatay ni Haman ang mga hudyo.
2. Kwento ito ng mga piging.
• Sa mga piging na ito ibinabagsak o itinatayo ang tao.
Halimbawa, si Reyna Vasti dahil hindi siya pumayag na ipasundo siya ng hari para ipagpasikat siya sa mga bisita,
• Nagdiriwang ng 180 araw
• Nagbigay si Ester ng piging nang tatlong beses nang ibig niyang makipag-usap sa hari bago niya maibunyag ang ginawa ni Haman. (Mga pag-uusap at pagkakasundo nangyayari sa kainan lalo na sa mga mayayaman. )
3. Tungkol sa mga Utos na hindi mababali.
• May kaugalian ang mga hudyo na may mga bagay na hindi pwedeng ulitin.
Kaya si Reyna Vasti, hindi na muling magiging reyna, at naghanap sila ng bagong
reyna.
• Na hindi pwedeng makalapit sa hari na hindi tinawag. Kung hindi tinawag na lumapit, papatayin.
• Mordekai ay mabigyan ng parangal

4. Kwento ng pagbabago ng sitwasyon (Ang inaasahan, hindi nangyari at kabaligtaran pa)
• Si Haman ang binitay sa posteng ginawa niya na dapat ay para kay Mordekai
• Pinaparangalan ng hari si Mordekai kay Haman na ibig pumatay sa kanya (sa lunsod, isinakay sa kabayo bilang pagpaparangal sa taong kinalulugdan ng hari) Sa halip pabagsakin niya si Mordekai si Haman pa ang napiling magparangal sa kanya.
• Natalo ni Ester si Haman na prime minister ng hari (Bumagsak si Haman sa pamamagitan ng babae)
• Pinatay ng mga hudyo ang lahat nang papatay dapat sa kanila (Gumamit pa si Haman ng instrumento para malaman kung kailan papatayin ang mga hudyo. Bago dumating ang araw na iyon, pinatay na ng mga hudyo ang lahat ng papatay sa kanila. Ang Purim na dapat na araw na papatayin ang mga hudyo, naging araw ng tagumpay ng mga hudyo.


Summary - July 30, 2006

Ang Paglalagum mula sa pagpapaliwanag ni Fr. Broderick sa Catholic Bible School on the Air

Bagama’t makabayan ang mga hudyo sa Aklat ni Judit, hindi naman lahat ng mga dayuhan, hindi na nila binibigyang halaga. Bilang patunay:
? Ang kalagayan ng Jerusalem, nakadepende sa mangyayari sa Samaria (Kaharian sa Norte). Bagamat wala sa mapa ang Betulia maaaring ipinapakita na matatagpuan ito sa Samaria. Sa pagsalakay dito sa mga hudyo naaapektuhan din ang Jerusalem. Isinulat nga ito sa Jerusalem, ipinapakita na pinapahalagahan din ang Samaria.
? Binigyang halaga si Aquior na Amonita (dayuhan) na ipinakitang nalalaman ang kasaysayan ng Israel at nagbigay saksi sa kapangyarihan ni Yahweh.
Inilahad niya kay Holofernes at pinatunayan sa kanya na walang ibang makapangyayari kay Yahweh na Diyos ng mga hudyo. Kaya nang magmagaling si Holofernes sa kanyang powers , at ipinagapos si Aquior at pinadala sa Betulia, na binalak niyang pabagsakin na tinakot niyang kasama na rin si Aquior na babagsak, hindi siya nagtagumpay. Napatunayan niya na totoo ang kapangyarihan ng Diyos ng mga hudyo. Nanalo ang Israel, nakita pa niya ang ulo ni Holofernes na pinutol ni Judit.

Judit 8: 11-20
Pangyayari:
Pinaikutan ni Holofernes ang Betulia nang wala nang makapasok at makalabas doon, pati mga supply. Sa halip na salakayin para mamatay, hayaan na lang gutumin ang mga tao . Kung wala na silang makakain at maiinom, mamatay na sila. Kaya nagpatawag ang mga tagaBetulia ng reinforcement sa mga kapwa nila hudyo sa Jerusalem. Sa kanilang kahirapan, nagbitaw ng salita ang kanilang mga lider , mga matatanda. Na kung sa loob ng limang araw, walang tulong na darating, susuko na sila. Nang marinig ito ni Judit, pinagalitan niya sila (Ocias, Cabris, Carmis) at ipinaala-ala ang kanilang pananampalataya.
Mga Leksyon:
1. Walang makakatarok sa isip ng Diyos na hindi dapat bigyan ng ultimatum at pagsubok.
Kung hindi makapagdadala ng tulong sa loob ng limang araw, hindi na ba sila maliligtas ng Diyos? Hindi nararapat na limitahan ang posibilidad ng Diyos. Sa pagbibigay ng tulong lang ba ang paraan ng pagliligtas ng Diyos? Tanda ang hinihintay at nagbibigay pa ng kundisyon sa Diyos.

2. Malakas ang tiwala ni Judit na hindi sila pababayaan ng Diyos dahil alam niyang tapat sila sa Kanya.
Hindi sila tulad ng kanilang mga ninuno na sumamba sa mga diyos na gawa ng kamay ng tao.

Judit 8: 25-27
Ang pagsubok na nararanasan ng mga hudyo , siya ring pagsubok ng Diyos sa mga taong mahal sa Kanya. Sa halip na subukin ang Diyos , tanggapin natin ang pagsubok sa atin.
Tulad ng naranasan nina Abraham, Isaac, Jacob. Sa pagsubok na nararanasan nila, hindi ito parusa kundi ginagawa Niya sa mga taong malapit sa Kanya para mapaalalahanan at maiwasang tahakin ang hindi tamang landas. Ang tekstong ito ay ang tanda ng pagmamahal ng Diyos.
Sa malaking pananalig nito ni Judit, isinapanganib niya ang kanyang buhay maligtas lang niya ang kanyang bayan.
Pangyayari:
Matapos manalangin sa Diyos si Judit , nagbihis siya ng masayang kasuotan, at malakas ang loob siyang humarap kay Holofernes. Sa kanyang ganda, naakit si Holofernes hanggang dalhin si Judit sa kanyang tolda. Sa loob ng tolda, nilasing ni Judit si Holofernes hanggang mapugutan niya siya ng ulo. Nang madaling araw, umalis na sila at pumunta sa kanilang kampamento at bumalik sa kanilang lunsod na dala-dala ang ulo ni Holofernes. Doon napatunayan na malakas ang Diyos na babae ang Kanyang naging instrumento. Nang sumalakay na ang mga hudyo, at nakita ng mga Asiriano na dumarating sila, nagpunta sila kay Holofernes pero nakita nilang wala na siyang ulo. Nagtakbuhan sila at hinabol ng mga hudyo at napakalaki ang kanilang nasamsam mula sa mga kaaway. Naging totoo ang sinabi ni Aquior at ni Judit na habang sila ay tapat sa Diyos, hindi sila pababayaan.

Judit 15: 9-10
Inawitan ng mga tao si Judit bilang pagpapala.
Ginagamit natin ang awit na ito bilang parangal kay Maria. Si Maria ang siyang luwalhati ng Jerusalem, ang ipinagmamalaki ng Israel, siya ang pinagbubunyi ng ating bansa dahil ginawa ng Diyos ang dakilang bagay sa kanya.
Masasabi nating si Judit ay isang nauunang anino tungkol sa ating mahal na ina.

Summary - July 23, 2006


Judith 1:1
(Sa unang pangungusap pa lang ay may mali na)
1. Si Nabucodonosor ay hindi naghari sa mga Asiriano. Naghari siya sa mga taga-Babylonia. Nang dumating siya natalo na ang mga Asyria.
2. Hindi rin naghari si Nabucodnosor sa Ninive. Pagdating niya nasira na ang Ninive ng mga taga-Babylonia.
612 BC Bumagsak ang Ninive
590 BC Dumating si Nabucodonosor

Sinadya ang pagkakasulat na mali ang kasaysayan (historical errors), para magkaroon ng babala ang mambabasa, na hindi ito dapat basahin bilang aklat ng kasaysayan. Ang punto ng aklat ay magkwento na makapagtuturo ng aral (didactic book). Kaya maaari itong isama sa aklat ng mga karunungan.

Sa Aklat ni Judit:
- maraming nakatala na hindi tunay na nangyari
- maraming pangalan ng mga tao at mga lugar na hindi makikita sa kasaysayan tulad ng Betulia.
e.g. 1. Mahalaga raw na manatili ang Betulia dahil kung mahulog ang Betulia, mahuhulog din ang Jerusalem. Pero ang totoo, walang lugar na Betulia na matatagpuan sa Israel.
e.g. 2. Si Halofernes na heneral ni Nabucodnosor, hindi matatagpuan sa talaan ng mga kasaysayan.
e.g. 3. Hindi rin sigurado na Judit ang pangalan ng babae na nagligtas sa bayan ng Betulia.
Generic name ang Judit na nangangahulugan na ‘babaeng hudyo’ (Jewess). Maaaring nagsasalarawan siya ng mga babaeng hudyo, magaganda , malapit sa Diyos, puno ng tapang sa pagharap sa mga kaaway.

2 Dibisyon ng Aklat ng Judit (halos pantay ang pagkakabahagi)
Judit 1-7 - ang pang-aabuso nina Nabucodnosor at ng hneral niyang si Halofernes sa kanilang
lakas at pagtatagumpat sa mga kaaway. Naging mayabang sila lalo na si Halofernes
Judit 8-16 – ang pagiging tapat sa Diyos ng isang babae at balo, na nagngangalang Judit.
Lagi siyang nagdadasal sa Diyos. Iniingatan niya na hindi malabag ang Batas ng
Diyos, tulad sa pagkain. Hindi sila kumakain ng mga bawal at pagkaing
madudumi.

Pinagtagpo ang dalawang pwersa :
1. Ang kadakilaan ng isang hari na maraming pamamaraan na dinadaan sa dahas (mundo)
2. Ang katapatan sa Diyos ng isang babaeng hudyo (Diyos)

Ang resulta: Natalo ang pwersa ng dahas. Napugutan ng ulo si Halofernes. At babae ang pumutol ng ulo niya na kahiya-hiya sa isang hudyo na babae ang dahilan ng kanyang pagkamatay.


Tulad sa naganap kay:
Ceasera; at Abimelek (anak ni Gideon) na binagsakan ng bato sa kanyang ulo ng isang babae.

Bilang didactic story (may-aral na kwento), ano’ng leksyon ang makukuha sa Aklat ni Judit?
Ang kapangyarihan ng mundo ay walang laban, kung ang tao sa kaliitan niya, nasa kanya naman ang Diyos.
Kasama ng mga mahihina ang Diyos, basta tapat lang sila sa Panginoon.

Taon ng pagkakasulat:
Isinulat ang Aklat ni Judit sa Palestina, taong 150BC. Maaaring nakasulat ito sa wikang Aramaiko o hebreo, at napapunta sa atin sa aklat ng griyego.

Pinangyarihan:
Palaging dinidigma ng mga Griyego ang mga hudyo sa Palestina noon. Iba’t ibang hari at heneral ang pumapasok sa kanila . Kaya naging makabayan (nationalistic) sila at nagkaisang maging tapat sa Diyos na naniniwala sila na sa pamamagitan nito, mapapasakanilang panig ang Diyos at lalakas sila.

Summary - July 16, 2006


Pagpapatuloy sa Aklat ni Tobit

Nagkaroon ng problema si Tobit at si Sarah.
Tobit: Nabulag siya. Naghirap at ibig niyang mabawi ang pera niya kay Gabael.
Sara: Binabantayan ng demonyo na pitong lalaki na ang ibig siyang mapangasawa na namamatay ang lalaki na sumisiping sa kanya.
Hiniling ni Tobit na kunin ng anak niyang si Tobias pero kailangan ng gabay na isang taong maasahan at marunong sa daan patungong Persia. Bilang solusyon nagpadala ang Diyos ng kanyang anghel para tulungan sila. Kaya lumitaw si Azarias na anghel ng Diyos.
Sa daan, nakahuli sila ng malaking isda. Sa isda nila kinuha ang mga lamang loob.
Sa daan din, ipinaliwanag ni Azarias kay Tobias na may karapatan siya kay Sara dahil magkamag-anak sila.
Sa paglalakbay nila, dumaan sila sa Ecbatana kung saan nakatira si Raguel na magulang ni Sara. Namukhaan ni Edna na asawa ni Raguel si Tobias na kahawig daw siya ng pinsan niyang si Tobit. Nagpakilala si Tobias at nagalak sila sa kanilang pagkikita. Dahil dito, tulad ng nabanggit ni Azarias kay Tobias na may karapatan siya na mapangasawa si Sara, binanggit din ito ni Raguel kay Tobias. Kaya nakasal nga si Tobias at si Sara. Ginawa ni Tobias ang bilin ni Azarias na sunugin ang atay at puso para mapalayas ang demonyo kay Sara at magkasiping silang dalawa sa kanilang unang gabi.
Nagtagumpay sila, tumakas si Asmodyo na tumakbo sa taas ng Ehipto na hinabol naman at tinalian ni Rafael. At naligtas si Sara sa masama, ganundin si Tobias sa kamatayan. Nabawi ang inilagak niyang pera kay Gabael na si Rafael na ang pinapunta ni Tobias. Nang makauwi na sa bahay, napanauli ang paningin ni Tobit dahil sa apdo ng isda. Naging masaya ang katapusan.

Natupad ang hangad ni Tobit na masingil ang pautang.
Natupad ang hangarin ni Sara na makapangasawa.
Naging mayaman si Tobias at si Sara dahil ang kayamanan ng kanilang mga magulang sa magkabilang panig, napasakanila dahil pareho silang nag--iisang anak. Naligtas sila sa Niniveh dahil lumipat sila sa Ecbatana ayon sa payo ni Tobit na ama niya. Dito rin natupad ang pangarap ni Raguel na makikita nila ang kanilang apo bago sila mamatay ni Edna.

Bilang didactic story (may-aral na kwento), ano’ng leksyon ang makukuha sa Aklat ni Tobit? Ano’ng mabubuting halimbawa ang matutunan dito?
Dahil nga sa panahon ito ng pagapapalabas sa kanila sa kanilang sariling bansa:
1. Paggalang sa mga patay – na ang dapat nating gawin ang tungkulin na ilibing ang mga patay (tulad ng ginawa ni Tobit)
Leksyon para sa mga hudyo na pinalabas sa kanilang sariling lupa. Wala sila sa lupain
nila na ang mga patay, iniiwan na lang sa labas na hindi na naililibing.
2. Huwarang pamilya
Sa kanilang kawalan ng sariling lupa, nagpapakasal sila sa sarili nilang lahi at kamag-anak.
3. Pagsisikap na matupad ang tungkulin ng magulang sa anak at anak sa magulang
Magandang hangad ng magulang sa anak tulad ni Tobit kay Tobias na magkaroon ng magandang kinabukasan, at ni Raguel kay Sara. Ganundin ang pagsisikap na matupad ang tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang, at pagsasaalang-alang sa magiging kalagayan ng mga magulang.
Pagsisikap na hindi mawala ang kanilang lahi at paghahangad na makita ang kanilang mga apo.
4. Kahalagahan ng Paglilimos-
Sa mga payo ng magulang, binibigyag diin ang paglilimos, kawang-gawa sa mga
mahihirap. (Sinabi ni Tobit kay Tobias na huwag mong kakalimutan ang mga mahihirap.)
5. Pangangalaga ng Diyos (Providence of God)
Na kahit na nasa lugar sila ng mga dayuhan, pinangangalagaan sila ng Diyos. Dahil akala ng mga hudyo, aktibo lang ang Diyos sa kanilang sariling lupa.

Pinangyarihan:
? Pagkatapos bumagsak ang Samaria at bago bumagsak ang Niniveh, taong 722 BC hanggang 612 BC. Pero naisulat ito sa labas ng panahong iyon. Maaring isinulat sa taong 200 BC at maaaring isinulat sa Palestina sa salitang Aramaiko, bagamat natagpuan ang libro nang maisalin na sa salitang griyego. Kaya, nalaman natin sa mga griyego dahil maaari itong ginamit ng mga hudyo na nasa diaspora (nagkawatak-watak dahil sa pagkakatapon sa kanila mula sa kanilang lupa). Sila ang mga hudyo na nasa labas ng Palestina sa panahon na 200 BC. Naiwan ang iba sa Babylonia, sa Egipto, sa ibang mga lunsod dahil sa pangangalakal o mas maganda ang buhay doon. Ipinapakita rito ang kwento ng mga hudyo sa labas ng kanilang lupain. Paano bang maging tunay na hudyo kahit wala sila sa Palestina? Dito, napatunayan nila na naaabot pa rin sila ng Diyos sa labas ng kanilang bayan, hindi lang bilang iisang bayan pero bilang bawat pamilya.

Tobit 3 – Panalangin ni Tobit at Sara

Tobit 4: 1-21
? Koleksyon ng karunungan
? Mga payo ng isang ama sa kanyang anak.
? Walang nabanggit sa pagsamba
? Mga kasabihan na maaring maisabuhay ng mga hudyo na nasa diaspora

Isa sa mga turo sa Aklat ni Tobit ay tungkol sa pag-aasawa. Na ang pag-aasawa ay isang tungkulin sa pamilya na dapat gawin. Ang pagpupunyagi dito ay kung paano makapag-asawa ni Sara.

Tobit 8: 4-8
Ang pagsisiping ay hindi mahalay kundi dakilang at mahalagang akto na ayon sa kalooban ng Diyos kapag ginagawa ng maayos. Inimbitahan ni Tobias na manalangin si Sara at nakatayo silang nagdasal. Ang aral dito, na ang pag-aasawa ay sa simula pa man ay kaloob na ng Diyos bilang paraan sa patuloy na paglikha. Kaya, kailangang pasukin natin nang may dalisay na puso dahil ito ay sagrado at kaloob ng Panginoon.

Summary - July 9, 2006

Sa Nehemias 8: 1-18
Ito ang Pagpapasinaya ng Batas sa pamamagitan ng Solemneng pagbabasa ni Esdras sa harap ng mga tao. Ito ang naging misyon ni Esdras: ang pagpapaliwang at pagpapahayag ng Batas ni Moises dahil ayon sa mga Persiano, ang Batas ni Moises ay siyang magiging Batas para sa mga hudyo.

Sa proklamasyong ginawa ni Esdras tungkol sa Batas ng Diyos, dinaluhan ng lahat ng tao. Naroon ang lahat ng mga pinuno, lalaki, babae, mga batang nakakaunawa. Tumayo silang lahat at nakinig. Nakasulat din ang mga pangalan ng mga opisyales noong panahong iyon na mismong napakinggan nila ang kanilang pangalan. Nakasulat din ang pangalan ng mga Levitang nagpapaliwanag.

Matapos basahin ni Esdras, ipinaliwanag itong mga Levita na kasama niya. Malaya namang tinanggap ng mga tao ang Salita.

Ang resulta ng pagtanggap ay ang pagkakaroon ng selebrasyon. Nagkaroon sila ng handaan, may pagsasalu-salo. At ang mga dumalo, nagkaroon ng pagbabahaginan. Ibinahagi nila sa mga kapos ang kanilang handa para lahat ay maging masaya. Ito ang kagalakan sa Panginoon. Ito ang magiging patunay ng kanilang lakas sa pakikinig ng Salita ng Diyos. Kaya ang bunga ng Salita ng Diyos ay saya.
Hindi lang doon nagtapos kundi nag-aral sila ng Salita ng Diyos. Sa kanilang pag-aaral , nadiskubre nila na may bahagi pala na nakasulat na hindi nila nagagawa. Ito ang kapistahan ng mga Kubol (Tolda). Dahil sa Israel, may tatlo silang mahahalagang kapistahan.
1. Kapistahan ng Paskwa- ang pag-aala-ala nila ang kanilang paglabas sa Egipto. Ipinagdiriwang nila ito sa isang Kainan na Pampaskuwa.
2. Kapistahan ng Pentekostes- ang pagdiriwang ng pagbibgay ng Batas kay Moises sa bundok ng Sinai
(Ano ang kaugnayan ng Kapistahan ng Pentekostes mga hudyo sa kapistahan natin ngayon ng Pentekostes?)
3. Kapistahan ng mga Tolda- ang pag-aala-ala nila nang naninirahan sila sa mga tolda
o kubol nang naglalakbay sila sa disyerto. Sa loob ng apatnapung taon, wala
silang permanenteng tahanan. Isang linggo ng handaan at bumibisita sila
sa bawat kubol.
(Aral para sa kanila: Hindi permanente ang buhay natin dito, naglalakbay lang tayo
patungo sa lupang hinirang.)
Kaya nang mapagtanto nila na nalaktawan nilang ipagdiwang ang Kapistahan ng Kubol, pumunta sila sa gubat para kumuha ng kahoy sa paggawa ng kubol, ayon din sa utos ni Esdras.

TOBIT, JUDIT, ESTER
Maaaring pagsama-samahin ang Aklat na ito sa iisang koleksyon lang dahil maraming bagay na komon dito:
1. Mga kwento na nakasentro sa isang bida. Halimbawa, ang buong Aklat ng Tobit,
tungkol kay Tobit. Ganundin kay Judit, at kay Ester.
Ang Aklat ni Tobit tungkol sa pangyayari sa isang pamilya.
Ang Aklat ni Judit at Ester, kwento na may epekto sa bayan. Nailigtas ni Judit at ni
Ester ang buong bansa, ang lahat ng mga hudyo.
2. Si Tobit, si Judit at si Ester, nagsimula sa pagiging api. Magipit sa simula ang kalagayan nila. Mukhang hindi nila kayang malutasan ang problema.
Eg. Tobit- naging bulag , nawalan siya ng yaman
Ester- pinagtangkaang ubusin ang mga hudyo sa buong kaharian ng Persiano
Judit – napalibutan ng mga kaaway ang kanilang lunsod, nagbabalak na sumuko
ang mga pinuno dahil wala na silang makain at mainom
…. Pero dahil sa kanilang tiwala sa Diyos , at dahil sa kanilang katapatan sa Batas ng Diyos sa kabila ng kagipitan na naranasan nila, nalampasan nila ang problema.
3. Nagbago ang kanilang kalagayan, nang sila ay nagdasal. Ang lakas nila ay ang pananalig sa Diyos na napapatunayan sa kanilang pananalangin.
Tobit- nang magdasal siya, nagpadala ng anghel ang Diyos sa kanila
Judit- matapos silang magdasal, nagpaganda na siya at humarap sa mga kaaway
Ester – matapos niyang magdasal, humarap siya sa hari.
4. Halos iisa ang uri ng panitikan (literary type o kind of literature). Bagaman ang
pinangyarihan ay ang kasaysayan ng kanilang bayan, ang layunin ng mga Aklat ay
magkwento na makapagbibigay ng leksyon sa lahat, hindi ang magbigay ng mga
patunay na kasaysayan.. (Hindi masasabing may taong Judit, Ester, maaaring
kathang isip lang ng manunulat.) Tinatawag ito na didactic stories. Ito ang dahilan
na may mga manunulat na hindi isinasama ang Tobit, Judit at Ester sa mga aklat ng
kasaysayan kundi isinasama sa mga Aklat ng Karunungan.
5. Ang tatlong Aklat na ito ang huling nakapasok sa biblia. Hindi sila napasama sa Aklat ng mga Hudyo dahil nakasulat sa Griyego itong tatlong Aklat . Ang nakasulat lang sa hebreo ang tinanggap ng mga Hudyo. Samakatwid, nabibilang sila sa Deuterocanonical books.
Deuterocanonical- Deutero (ikalawa) }
Canon (panukat/ listahang opisyal)} Ikalawang opisyal na listahan ng mga Aklat
Wala sa biblia ng mga Protestante ang Tobit at Judit. May bahagi naman ng Aklat ni Ester na Deuterocanonical. Ang Aklat ni Ester nating mga Katoliko ay mas mahaba kaysa sa Ester ng mga Protestante.
Nakasama ang tatlong aklat na ito sa Alexandrian Canon pero hindi nakasama sa Palestinian Canon. Bukod pa rito, huli nang isinulat ang tatlong aklat na ito. Isinulat nang patapos na ang Old Testament Times. 200 o 100 BC. Nang kinokolekta na ang Canon, huli para makahabol sa Palestinian Canon.
Ang mga hudyo tinanggap ang Palestinian Canon.
Pero, ayon sa makabagong pagsasaliksik ng Salita ng Diyos, maaaring masabi na ang orihinal ng Aklat ni Judit ay nakasulat sa Hebreo. Ganundin ang Tobit na maaaring sa Aramaiko pa ang orihinal.


TOBIAS
Tob- ang kahulugan ay mabuti
Tobit- ang mabuting tao
Ang kwento ng isang pamilya na mula sa tribo ng Naftali na nasa Galilea sa bandang Norte. Noong panahon niya, nawasak ang Kaharian sa Hilaga (Samaria) noong 722 BC. Napatapon siya sa Niniveh. Pinabagsak naman ng mga taga-Babylonia noong 612 BC ang Asyria.
Samakatwid, mga higit sa 100 taon ang naabot ni Tobit. Masasabi na hindi makasaysayan ang ipinaaabot, iginawa lang ng kwento.
Ang kwento ay tungkol kay Tobias at kay Sara na kapwa naligtas sa kanilang kahirapan dahil sa tulong ng Diyos dahil nananalangin sila. Dumating ang tulong sa kanila sa pagpapadala ng Anghel na si Rafael. Nagpakilala bilang isang tao na ang pangalan ay Azarias.
Ang problema ni Tobit:
Nabulag siya dahil sa mabuting gawain na tagalibing ng mga patay. Isa ito sa mga corporal works of mercy. Sa paggalang sa bangkay, inilibing nila. Dahil para sa mga hudyo, ang bangkay na makain ng buwitre, pagapastangan sa katawan ng namatay. Mabigat itong parusa. Nabulag siya, nang minsan, naglibing siya. Dahil hindi siya maaaring makapasok sa bahay dahil itinuturing na madumi ang paglilibing, natulog siya sa labas ng bahay. Napatakan ang mata niya ng dumi ng ibon at iyon ang sanhi ng pagkabulag niya. Iyon din ang dahilan nang naghirap siya.

Summary -July 2, 2006

Bahagi ng Chronicler History ang Aklat ni Ezra at ni Nehemias. Isa sa katangian nito ay ang madalas na paggamit ng talaangkanan (genealogies)

Mga dahilan ng pakikilaban ng mga Samaritano:
• Pinaalis ng mga Israelita ang mga Samaritano sa binalikan nilang lugar
• Hindi pinatulong ng mga Hudyo ang mga Samaritano sa pagtatayo ng Templo- dahil madumi ang turing ng mga hudyo sa kanila. Nakapangasawa na sila ng mga banyaga.
• Mababa na ang pagtingin sa kanila ng mga hudyo. Hindi na sila itinuturing na tunay na mga hudyo

Ano ang ginawa ni Ezra?
• Naipasulat niya ang Batas sa mga Israelita at itinuro sa mga tao na dati pasalin-salin lang sa kanilang mga bibig
• Ginawa niya na ang Batas ni Moises ay ang batas ng mga Persiano sa mga hudyo
• Kinalas niya ang bigkis ng kasal ng mga nagpakasal sa mga banyagang babae nang mapanatili ang kalinisan ng kanilang lahi

2 DIBISYON SA AKLAT NI NEHEMIAS;
• Nehemias 1-7 ___ Mga Ginawa ni Nehemias
• Nehemias 8-13 __ Paraan kung paano ipinatupad ang Batas ni Moises

Ano ang ginawa ni Nehemias?
1. Binuo muli ang pader ng Jerusalem
2. Kinumbinsi na muling manirahan ang mga tao doon
3. Pinalaya ang mga alipin at kinansela ang mga utang ng mga hudyo sa kanilang kapwa hudyo . Hindi pinayagan na angkinin ang isang aliping hudyo at magpatong ng interes sa kapwa-hudyo
4. Pagpapahiwalay sa mag-asawa na may asawang dayuhang babae

Naging DAKILA at HUWARANG PINUNO SI NEHEMIAS
1. Masipag
2. Iniwan ang mataas niyang posisyon bilang cup-bearer (tagapagbantay ng mga gagamitin at kakainin ng Emperador) para sa ikabubuti ng mga Israelita .
3. Sumama siya sa mga tao at kasama nila siyang nagtrabaho
4. May malasakit sa tao
5. Hindi niya tinanggap ang mga suweldo niya. Hindi niya iniisip ang sarili niya.
6. Nakiisa siya sa religious reform ni Esdras

Ang pangkalahatang pagproklama ng Batas ni Moises ang pinakarurok ng relihiyosong pagbabago ni Esdras
Pagtatambalan ni Esdras at Nehemias:
1. Kapwa sila may malasakit sa mga tao
2. Pareho sila ng pananaw at ang Batas ni Moises ang kanilang gabay

Summary - June 25, 2006

Ang AKLAT NI ESDRAS AT NEHEMIAS ay mga tanging Aklat na nagtatalakay tungkol sa pagbabalik ng mga Israelita mula sa pagkakatapon sa kanila hanggang sa panahon ng mga griyego. Mula sa 539-313 BC. Sa panahong ito ang mga Israelita ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Persiano na hinayaan silang bumalik sa kanilang lupa.

Pagbabalik-tanaw:
722BC - Pinabagsak ng mga Asiriano ang kaharian sa hilaga
612 BC - Tinalo ng mga taga-Babylonia ang mga Asiriano
586 BC- Sinira ng mga taga-Babylonia ang kaharian ng Juda at ng Jerusalem at
Itinapon ang mga Israelita sa kanilang lugar (Babylonia). Sinira nila ang templo na
itinayo ni Solomon.
Kapag pinag-uusapan ang pagtapon sa mga Israelita, ito ang Babylonian exile.
539 BC- Tinalo ng mga Persiano ang mga taga-Babylonia. Sa ilalim ito ng kapangyarihan ni
haring Ciro ng Persia. Pinabalik niya ang mga Israelita. Hindi inaasahan ng mga
Israelita ang ganitong kaligtasan. Kaya nakita ng mga hudyo na instrumento ng
Diyos si Ciro para sa kanilang bayan na makauwi sa kanilang lugar.

Kalagayan ng mga Israelita mula sa pagkakatapon sa kanila:
• Pinaninirahan na ng maraming mga tao ang lupang iniwan nila , lalong lalo ng mga Samaritano. Sila ang mga galing sa Hilaga (Norte) na nagkahalo-halong lahi na nang makitang nakatiwangwang ang lupa, doon na sila nanirahan. 70 taon na nakatiwang-wang. Kaya nahirapan ang mga Israelita na bawiin muli ang lupa nila. At nagkaroon sila ng malaking pagkagalit sa mga Samaritano.
• Hindi nila agad naitayo ang templo dahil naging abala sila sa pagtatayo ng kanilang bahay, sa pagtatatag ng panibagong hanap-buhay. Hindi nila gaanong pinahalagahan ang nakatiwangwang na templo ng Diyos. Dito nagpadala ang Diyos ng dalawang propeta: si Hagai at si Zakarias. Silang dalawa ang nagtulak sa mga tao na napapanahon na para itayo ang templo ng Diyos. 520, nagsimula na silang magtayo ng templo hanggang naipasinaya nila noong 515 BC. Dalawampu’t tatlong taon, bago nila naitayo ang templo ng Diyos. Ang mga matatanda na nakita pa ang templo ni Solomon, nalungkot sila at umiyak dahil parang napakaliit ang bagong templo kung ihambing sa templo na ginawa ni Solomon. Pero, ang mahalaga, naroon na ang templo.
• Nawala na ang kanilang kasarinlang politikal (political independence) sa pagbalik nila sa Canaan. Wala na silang hari. Maliit na probinsiya na lang sila sa ilalim ng napakalaking emperyo ng mga Persiano. (Sa ngayon, ang lawak ng emperyo ay mula sa Turkey hanggang Afhghanistan). Itinuring na lang silang isang religious community. Kaya, ipinasunod na lang ng mga Persiano sa kanila ang kanilang mismong batas. Dahil ang sarili nilang batas ay magiging batas na rin sa kanila ng mga Persiano. Kaya ang mga Persiano ang nagpabalik kay Esdras at hinimok siyang ituro niya ang mga batas ni Moises sa mga tao. Pinalakas nila ang loob nilang buuin ang kanilang sambayanan bilang sambayanang relihiyoso. Ipinagamit pa sa kanila ng mga Persiano ang mga pamamaraan nila para
maitayo ang templo.
• Ang templo ang lalong naging sentro sa buhay ng mga hudyo. Dito nabigyang halaga ang kanilang gawaing panrelihiyon. Kaya naging prominente na ang mga pinunong relihiyoso tulad ng mga levita, pari, eskriba, hindi na ang pinunong politikal. Sila na ang mga kinilala dahil nagtuturo sila ng mga batas ng Diyos. Ang mga batas na ito ay ang mga batas na naisulat sa panahon ng pagkakatapon sa kanila. Ang mga tradisyong pinanghawakan nila bagamat galing sa ibang mga sources, pinagsama-sama nila at naisulat ang Torah (Pentateuko) . Isinama rin ang mga Aklat ng mga Awit, ng mga Propeta, at nagsimula na silang magbuo ng biblia. Nagkaroon na ng core books, ang mga importanteng mga aklat.
Kaya si Esdras ay tinatawag na Ama ng Judaismo. Ang Judaismo ay isang relihiyon na medyo magkaiba bagaman kaugnay sa relihiyon ng mga hudyo noong panahon ng mga hari. Dahil noong panahon ng mga hari ang relihiyon ay nakatuon sa pagsamba sa templo. Ang mga tradisyon ay hindi pa gaanong mahalaga at wala pa silang aklat na nakasulat na pinanghahawakan.
• Ang regalong dala nila ay ang Aklat ni Moises na itinuro sa kanila ni Esdras. Kasama nito ang pagsamba nila sa templo at pag-alay ng mga susunuging handog. Pero ang binigyang halaga ngayon ay ang Aklat na nakasulat sa batas. Kahit na mawala ang pagsamba, pag-aalay ng mga susunuging hayop, basta patuloy sila sa pag-aaral ng Batas ni Moises at pagsasabuhay nito.
• May kapamahakan na baka mawala ang lahi nila, lalo na kung ang mapapangasawa nila ay hindi mga hudyo.
• Sa ganitong kalagayan, 2 importanteng tao ang ipinadala sa Canaan. Si Esdras at si Nehemias. Mga hudyo sila pero hindi kasama sa unang grupo na bumalik mula sa Babylonia. Dahil hindi lahat ng mga hudyo nang pinayagan na silang bumalik sa Canaan ay bumalik. Ang iba ay nakapagtrabaho na sa Babylonia kasama si Esdras at si Nehemias. Medyo mataas ang tungkulin nila doon.
Esdras ay isang pari at eskriba. Ang pagbalik niya sa lupain, nagturo ng batas sa
mga tao. Siya ang nagreform ng relihiyosong pamumuhay ng mga tao.
Nehemias ay isang pinunong politiko. Malapit siya sa emperador ng Persiano. At humingi siya ng pahintulot na bumalik. Siya ang nagreform sa politikal na pamumuhay ng mga tao.
Si Esdras at si Nehemias ay nabuhay noong panahon ni Artajerjes I. Hari ng mga Persiano mula sa 464BC hanggang 423BC. Si Haring Artajerjes ang hari na nagpahintulot sa dalawa na bumalik.
Maaaring silang dalawa ay nagtagpo sa Jerusalem, sa Israel noong bumalik sila sa bayan.
• 458 BC – dumating si Esdras sa Jerusalem . Kasama ng isang grupo sa pahintulot ng hari
• 445 BC – dumating si Nehemias. May intensyon siyang ipagtanggol ang mga Israelita. Itatag ang moog para hindi madaling salakayin ng mga kaaway ang mga hudyo, at magkaroon sila ng kasarinlang politikal. Naiwan siya sa Jerusalem ng 12 taon kasama ng pagtatayo ng mga moog.
• 423BC – bumalik si Nehemias sa Persia. At naglingkod muli siya kay Artajerjes.
• Bumalik sa Jerusalem

Ang Aklat ni Esdras at Nehemias ay iisang Aklat lang. Sa bibliyang griyego, tinatawag itong Esdras. Pero pinaghiwalay sa makabago nang bibliya. Medyo artipisyal ang paghihiwalay kaya may kwento si Esdras na matatagpuan sa Aklat ni Nehemias.

2 Dibisyon sa Aklat ni Esdras
Esdras 1-6 pagbalik mula sa pagkakatapon at mga kahirapan na naranasan nila (sa paninirahan ng mga Samaritano sa kanilang lupa nang pagbalik nila, pagtayo ng templo, paghadlang ng iba sa paggawa ng moog)
Maraming mga liham. Tulad ng liham nila sa mga hari, mga liham ng mga hari sa kanila, mga recommendation letters. Ang ibang liham ay nakasulat sa Aramaic. Bagamat ang orihinal na wika sa bibiliya ay nakasulat sa hebreo at griyego.
Ang Aramaic ay ang official language ng emperyong Babylonia at Persia. Kaya marahil na ang sumulat ay may access sa official documents. At naisulat niya ang documentong ito sa lenguahe ng mga Babylonia at Persia.
Sa Kautusan ni Ciro- suportado ng hari ang pagbabalik ng tao at ang pagtayo nila sa templo.
Esdras 7-10 ang mga ginawa ni Esdras (pagtuturo ng batas sa mga tao at ibang mga reforms na kanyang tinulungan ang mga taong gawin.

Ang 3 nangingibabaw na ukol sa Judaismo ang inilaman sa Aklat ni Esdras:
Liping hinirang ng Diyos
Templo - makakasamba sa Diyos sa Templo na pinamumunuan ng mga kanilang mga pari sa pag-aaaly nila sa Diyos
Batas – kailangan silang sumunod sa batas ni Moises. Ito ang sumasaklaw sa buhay nila . Sa lahat ng relasyon, dapat nangunguna ang batas.

Mga kinilalang Ama at Pinuno ng mga Israelita:
Abraham bilang Ama ng Israel, may dalawang pag-unawa na inilalahad:
1. Ang pag-unawa ng kanyang lahi. Nasa laman o dugo. Nagsimula siya ng lahi.
2. Ang pag-unawa ng kanyang pananampalataya sa iisang Diyos. Na sinimulan niya.

Moises
1. tagapagligtas ng bayan mula sa Ehipto
2. tagapagbigay ng Batas
Pero nang sa panahon ni Moises ay hindi pa nakasulat (coded) na ipinasasalinsalin lang ng mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang tradisyon tulad ng Yahwista, Elohista, Deuteronomista, Makapari.

Esdra
Itinuring siya na Ama ng Judaismo dahil itinuro niya ang mga batas na nagmula kay Moises. Sa pamamagitan niya naibunyag ang Batas sa mga tao at naisulat ang Torah o Pentateuko. Kaya Itinuring din siya na pangalawang Moises ng mga hudyo.

 

Summary - June 11, 2006

Ang Kronikong Kasaysayan, binubuo ng 4 na aklat:
1 Kronika
2 Kronika
Esdra
Nehemias
Halos ang nilalaman nito ay ang 2 Aklat ng mga Hari, at 2 Aklat ni Samuel

Tinatawag itong Kronikong Kasaysayan dahil ayon sa pananaw ng mga Escriba at Levita ang kasaysayan na tinatalakay

Deuteronomikong Kasaysayan – binubuo ng:
Aklat ng Deuteronomio na nagbibigay ng panimula at teolohiya
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
Tinatawag itong Deuteronomikong Kasaysayan dahil ayon ito sa pananaw ng mga Deuteronomista. Bunga ito ng Repormang Deuteronomista sa panahon ni Haring Oseas. Nanatili itong mithiin ng mga tao bagaman hindi ito ipinagpatuloy ng naging kahalili ni Haring Oseas at ng mga sumunod pa. Ang mga disipulo ng repormang ito ang sumulat ng kasaysayan.

Paghahambing

Deuteronomikong Kasaysayan Kronikong Kasaysayan
1. Mula sa pananaw ng mga propeta na taga-Hilaga
Itinago nila ito sa Templo nang bumagsak ang Samaria
1. Mula sa pananaw ng mga Eskriba at Levita na taga-Timog
2. Tungkol sa Salita ng Diyos ang kanilang binibigyang diin

2. Tungkol sa pagsamba ang kanilang binibigyang diin

3. Hinuhusgahan ang hari ayon sa kanilang katapatan sa Salita ng Diyos sa kanilang pagtitipan sa Kanya

3. Hinihusgahan ang hari ayon sa kanilang katapatan sa pagtataguyod ng tunay na pagsamba sa Israel

4. Isinulat ito noong 550 BC
Bunga ito ng pagkakatapon sa kanila. Malamang na naisulat noong nasa Babylonia pa sila. Tulad sa Pentateuko,

Pagninilay:
Ang dahilan ng kanilang pagkakatapon, hindi sila naging tapat sa Pagtitipan ng Diyos sa kanila.
Kaya, nagbigay ito sa kanila ng pag-asa na babalik sa kanila ang lupang ipinangako kung magiging tapat sila sa Batas.

4. Isinulat ito noong 400 BC – matagal-tagal na panahon pagkatapos ng pagbalik ng mga Israelita sa Canaan na lupang ipinangako sa kanila mula sa pagkakatapon sa Babylonia.

Pagninilay:
Mananatili sa kanila ang lupaing ibinigay sa kanila ng Diyos kung magiging tapat sila sa pagsamba.
Kaya mahalaga sa kanila ang pagtatayo ng panibagong Templo (515 BC) bilang kapalit sa nabuwag na templong itinayo ni Haring Salomon.
Mahalaga rin sa kanila ang mga pari na tunay na mula sa lipi ni Levi na sinikap nilang sundin ang tunay na pagsamba.

5. Nilalaman:
Mula sa panahon ni Josue hanggang sa pagkakatapon sa kanila sa Babylonia.

5. Nilalaman:
Ang Simula (Genesis) ng paglikha hanggang sa muling pagtayo ng Templo at maibalik ang dating pagsamba.




6. Haba ng Panahon na nasasakalaw:
700 taon (mula 1250 BC -550 BC) 1. Mula sa pananaw ng mga Eskriba at Levita na taga-Timog

 
6. Haba ng Panahon na nasasaklaw:
Mahabang panahon

Hindi tiyak ang sumulat sa Deuteronomikong Kasaysayan.
Samantala, sa Kronikong Kasaysan, si Esdra ang malamang na sumulat.
Eskriba si Esdra at nasa impluwensya ng mga Levita.

 

 

Catholic Bible School on the Air Summary