Home
About Us
Services
Products
Bookstores
Vocations
Collaborators
Pauline Family
Link


Download WINAMP

 

Hulyo 29, 2010 – Huwebes sa Ikalabing-pito na Linggo sa Karaniwang Panahon
Santa Marta (Paggunita)
1 Jn 4:7-16 * Salmo 34 * Lk 10:38-42 or Jn 11:19-27

 

Lk 10:38-42 or Jn 11:19-27

Pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: "Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako." Sumagot sa kanya ang Panginoon: "Marta, Marta, abala ka't balisa sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya."


PAGNINILAY

Larawan si Martha ng isang alagad na naglilingkod sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto. Ang mga gawa ng kanyang mga kamay, tanda ng kanyang pagmamahal sa Panginoon. Bagamat sa ebanghelyong ating narinig, tila mas binigyang halaga ni Jesus ang pakikinig ni Maria sa kanyang mga aral. Hindi naman sinabi ni Jesus na walang saysay ang paglilingkod na ipinamalas ni Martha. Marahil, naging tungkulin na ni Martha ang ihanda ang mga bagay na maaaring kailanganin ng kanilang panauhin kaya ganun na lamang ang kanyang pagiging abala sa paghahanda para sa Panginoon. Sa ating pang-araw-araw na buhay, kamusta ba ang mga gawain nating paglilingkod? Masaya ba natin itong ginagampanan o baka katulad din tayo ni Martha na feeling over-burdened! Naiinis kung nakikita ang mga kasamahang pa-easy-easy lang, at wala man lang pakialam na tumulong. Halimbawa sa loob ng pamilya, subsob ang ina sa paghahanda ng makakain, samantalang ang mga anak paupo-upo lamang at masayang nanonood ng TV. Talaga namang mawawalan ka ng pasensiya sa ganitong sitwasyon. Pero, maaari din namang pagsabihan ng nanay ang mga anak sa mahinahong paraan na tulungan siya. Mga kapatid, ang paghingi ng tulong sa kasamahan kapag tayo'y labis ng nahihirapan ay malinaw na tanda ng kababaang-loob. Totoong hindi lahat ng tao'y sensitibo sa pangangailangan ng iba, kaya kailangan nating ipaalam sa kanila ang pangangailangan natin ng tulong. Kung hindi pa rin tayo tulungan, pakatandaan na lamang natin na anumang gawaing mahirap, basta may pagmamahal, nagiging magaan, mahalaga at kapaki-pakinabang sa taong pinaglilingkuran.

 Bagong Umaga