Daughters of Saint Paul

HULYO 6, 2020 – LUNES SA IKA-14 NA LINGGO NG TAON

EBANGHELYO : Mt 9:18-26

Lumapit kay Jesus ang isang pangulo ng sinagoga at paluhod na sinabi: “Kamamatay nga lamang ng aking anak na babae, pero halika’t ipatong ang iyong mga kamay at siya’y mabubuhay.” Kaya tumayo si Jesus at sumama sa kanya, pati na ang kanyang mga alagad. Nilapitan naman siya mula sa likuran ng isang babaeng labindalawang taon nang dinudugo, at hinipo nito ang laylayan ng damit ni Jesus. Sapagkat naisip niya “Kung mahihipo ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, gagaling na ako.” Lumingon naman si Jesus, nakita niya siya at sinabi: “Lakasan mo ang iyong loob, anak ko, pinagaling ka ng iyong pananalig.” At gumaling ang babae sa sandaling iyon. Pagdating ni Jesus sa bahay ng pangulo, nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay. At sinabi niya: “Umalis kayo! Hindi patay ang dalagita kundi tulog.” Pinagtawanan nila siya. Ngunit pagkaalis ng mga tao, pumasok siya, hinawakan ang bata sa kamay at bumangon ito. Lumaganap ang balitang ito sa buong lupaing iyon.

PAGNINILAY:

Isinulat ni Rev. John Francis Aberion ng Rogationists of the Heart of Jesus ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  What a wonderful and beautiful Gospel we have today! Para sa akin, ang Mabuting Balita ngayon ay parang isang “good vibes!” Yes, good vibes po ang ating Gospel ngayon. Masasabi natin ito dahil we have just heard how the presence of Jesus is able to heal and give life to people. In this episode, narinig natin ang sitwasyon ng babaeng maysakit na “hemorrhage,” at meron namang isang pinuno na namatayan ng anak na babae. Pansinin natin ang movement ni Hesus nang narinig nya ang hiling ng pinuno na buhayin ang kanyang anak. Tumindig si Hesus. Pumunta siya sa kanilang bahay at muling binuhay ang anak ng pinuno. Pansinin din natin ang nangyari sa babaeng maysakit: dumaan lang si Hesus, gumaling na ang babae. Two stories today, na pwede tayo maka-relate. We can ask ourselves: gaano ba ko ka-sensitive sa pagdalaw ni Hesus sa akin araw-araw? Sensitivity with the movement of Jesus is an expression of our faith and trust in Jesus. We can do this by spending some moment of prayer, uniting ourselves with Jesus, and keep on telling Him na: “Hesus patuloy ka nawang bumisita sa amin. Hilumin mo at palakasin mo kami, Hesus.” Amen.